obserbasyon ni ian, asan na si pichay? Bakit nawala na sya sa political limelight at din a masyadong kumakalat ang mukha nya sa tv? Baka naubos na ang 120 hours airtime nya. Sagot ko: baka di aware si pichay na may limitasyon ang airtime nya kaya nangarir ang lolo mo sa simula na eleksyon. Kumento ko: di magandang strategy yun. Crucial ang ilang linggong nalalabi bago ang eleksyon. Sana inallocate ng maayos ng kampo ni pichay ang airtime nila. Saying mapera pa naman sya at naaafford nya ang paggawa ng political ad.
- anu uli ang point ng “I am sorry” ad ni tessie aquino-oreta na pinirata nya lang sa best actress na si GMA? A, ung pagiging dancing queen sya. Eh bakit ngayon lang? matagal nay un diba? Sana dati pa nya ginawa para mas paniwalaan naming sincere yun.
- in fairness, benta sa akin ang bagong ad ni villar. Yung iniinterview ni boy abunda ang nanay nya (minus the mahiwagang salamin). Ewan ko ba pero ang cute ng nanay ni villar. Yun nga siguro ang idea nung ad. Ipakita na maganda ang pagpapalaki ng nanay ni villar sa kanya (na dahilan ng kung sinu sya ngayon) at di nya kinakalimutan ang nanay nya. Benta sa mga pinoy ang ganoong pakulo.
- si mike defensor na ata ang may pinakamaraming ginamit na artista sa political ad nya. Old school pa din pala si ‘tol sa tema ng pangangampanya. Given na naman na gumamit ang nga senior politicians ng mga artista sa ads nila, pero kasi bata pa si defesor. I’m expecting something fresh, something that doesn’t treat the electorate as mere spectators of some fiesta concert. And please explain to me in a 2-page essay the point of his slogan: “walking ‘tol”, “standing ‘tol”, at kung anu anu pang verbs na dinugtungan ng “’tol”.
- panalo yung ad ni chavit! Nag-i-english ba naman ang lolo mo. Panalo talaga! As far as I know they have to reach as many people as possible para iboto sila. E tila yata ni lalayo ni chavit sarili nya sa mga katulad kong bobo sa English. Pano yan kung di ko sya naintindihan? Edi hindi ko sya iboboto? Masaklap naman ata yun para sa kanya. Keri yung mga ate at kuya na nananagalog at nagsasalita ng sarili nilang lengguwahe (oo lenggwahe hindi dialekto. Magkaiba yung dalawa, yung yung tinatawag nating ‘dialect’, language talaga yun), pero si chavit ang gusto kong gumagawa non. Hindi naman sila ate at kuya yung iboboto ko diba? Don pa lang, may imahe na agad ng pagiging elitista si chavit. We’ll gonna have this prejudice na hindi sya madaling lapitan dahil sya mismo di nya kaya iarticulate ang sarili nya sa lengguwahe ng constituents nya. At sa kaso nya if ever, ang buong pilipinas.
- dagdag kay chavit, andaming motor sa headquarters nya sa imus. Parang akala mo tindahan lang nga harley.
- alam ko na pala kung san nagkakalat ng lagim ngayon si pichay: dito mismo sa dasma!nagulantang ako nung makit akong may headquarters pala sya dito. Nagkalat na ngayon ang mukha nya sa mga tricycle, pader at kung saan saan pala. Kelangan kong bawiin ang una kong sinabi. Mahusay ang campaign strategy ni pichay. Pagkatapos nyang magpakilala on national television sa buong pilipinas sa pamamagitan ng political ads nya, he gone small scale na sa pagpunta sa mga liblib na lugar gaya ng dasmarinas. wais din pala ang gulay.
pebi talking in gibberish again around 12:42 AM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>