For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
- Kahit ano pang pangwawalang hiyang gawin ng gobyerno sa Bayan Muna, nangunguna pa di sa survey ng Pulse Asia ang nasabing partylist group. Siguro takot ang pamahalaan na bumalik sa kongreso ang BM dahil di mawawala ang tinik sa lalamunan nila. Ay tang ina!!!i’ve never been this angry since ma’am tayag told me i’m pasaway and dropped me from her roster of thesis advisee.
- I’ve met Ka Satur for quite few times on different occasions. Minsan up close, minsan sa malayuan, pero kadalasan sa TV.he has this commanding yet subtle aura.medyo nakakahiya sa kausap dahil parang sobrang talino nya at di ka pwedeng magkamali pag kausap mo sya.pero hindi pala sya ganon.oo seryoso sya, pero napaka-complacent ng pagkatao nya.kung tatanungin ako kung sino ang gusto kong maging lolo, si Ka Satur ang pipiliin ko. kaya di ako makapaniwala kung paano sya nilapastangan ng mga pulis nung tinangka syang ilipat sa leyte.ay puta!!!!bakit kung kaladkarin si Ka Satur akala mo ay guilty na sya agad sa inaakusa sa kanya.it’s so unfair!!!!!mapa si Ka Satur man o isang ordinaryong tindero sa Baclaran, walang karapatan ang pulisya na umarte na akala mo sila na ang Dyos at utang mo sa kanila ang buhay mo.
- Hindi ako nagagalit dahil gusto ko si Ka Satur at bahagi ako ng Bayan Muna Youth sa UP Manila. Nagagalit ako sa kawalan ng paggalang ng pamahalaan sa karapatan ng mga tao, sa walang habas nitong pagpatay sa mga kumakalaban sa kanila, sa pagmamanipula ng pamahalaan sa katotohanan, at sa unti unti ng pagkalusaw ng ating mga karapatan at kalayaan.
- Ang ibinintang naman kay Ka Satur, pagpaplano ng isang massacre. Ang aking lang naman, bakit sa tinagal tagal ng panahon, ngayon lang inakusahan si Ka Satur ng ganito? Sana dati pa noong unang pumasok ang BAyan Muna sa Kung di ako nagkakamali si Ka Teddy din ay inakusahan din nito, sa parehong pagkakataon. Pero bata pa si Ka Teddy noon, asa kindergarten pa lang sya. Noong mga panahon din na gumanap umano ang pagpatay, si Ka Satur ay nasa kulungan. Martial law kasi noon. Baka nga magkaselda pa sila ni Sir Doti at Sir Bobby.Kung susuriin may inconsistency na agad sa bintang nila. Halatang gawa gawa na agad ang kaso nila. Ha!sana hindi masyadong tanga ang nag-orchestrate ng kasong iyon!kung sabagay, wala siguro sila sa gobyerno ngayon kung magaling sila pagtahi ng detalye at kwento kundi asa Hollywood. Nyeta!!!
- naalala ko ang Iron Jawed Angels nung kinaladkad si Ka Satur ng mga pulis. Ang ikinaso sa mga raliyista sa Iron Jawed ay obstruction of traffic. Ginawan lang sila ng kaso para makulong, pero hindi sila natinag. Si Ka Satur, sampu ng ilan pang bahagi ng kaliwa ay sinusubukan ng patahimikin ng pamahalaan sa pamamagita ng sampa sa kanila ng kaso. Magkaibang panahon, magkaibang bansa, magkaibang adhika, isang method of pacification. Tingnan ang pagkakahalintulad. Pansinin natin at wag magpalinlang.
- tungkol sa pagpatay sa mga militante, kung isa o dalawa lamang sa kanila ang namatay matatanggap ko ng isolated case iyon at walang halong pulitika. Pero libo na ang namamatay, lahat s halos magkakatulad ang pamamaraan. Isolated case pa ba yon? Hindi ako naniniwala.tanga lang ang maniniwala. tiyak na may malawakan at sistematikong pamamaraan ng pagpapatahimik sa mga kumukundina sa kabulastugan ng pamahalaan.
- kung walang ginagawa ang gobyerno na kalokohan, bakit sila natatakot kina Ka Satur at sa iba pang militante na kung tawagin ay “panggulo” ng mga burgis na walang alam kundi mag- party gabi gabi. Puta sila!!! Ang sa akin lang naman, walang dapat ikatakot ang nasa tama.
- may napanood ako sa RPN 9 kaninang umaga. Parang debate thingy. Ang topic “Hadlang ba ang mga militant leftist sa pagkakaroon ng maayos na eleksyon?” ay putang ina!!gusto kong batuhin ang TV kanina. Napakadefamatory agad nung statement. As if militant lang ang nagdudulot ng kaguluhan sa eleksyon! To begin with, derogatory agad ang kakabit na kahulugan ng katagang “militant left” sa statement na iyon. Sana alamin muna ang tunay na kahulugan at tamang gamit ng salita. Tungkol naman sa kaguluhan ng eleksyon, sino ba ang magulo?diba ang adminstrasyon at oposisyon mismo? Pansinin sa telebisyon at ang mga nagbabangayan at ang nagpapagulo ng eleksyon scene ay yung dalawang grupo mismo. Parati kaya silang nag-aaway at nagpaparinigan na parang mga chismosang high school galing sa lower lower section.Manipestasyon kung gaano ka immature ang pulitika sa bansa.Kung “militant left” na ang tawag sa administrasyon at oposisyon baka di ko naisipang tangkaing batuhin ang TV.
- hindi ako tibak, pero aware ako sa mga nagaganap sa bansa. patuloy pang sikilin ng pamahalaan ang ilang matatapang na kinukondina ang gawi nilang baluktot at tiyak na sasama ako sa pagkilos.
- stop vilifying terms such as militants, left, leftist and activism among others. Kung sisimulan ko ang paglecture dito kung bakit, kukulangin ang isang window. sa mga patuloy pa ding nagpapakain sa prevailing norm, wag magpakahon. Explore. Alamin ang tunay kahulugan ng isang bagay taliwas sa popular na paniniwalang dinidikdik sa atin ng lipunang ginagalawan natin. Hindi masama ang mga nabanggit kong salita at ilan pang bagay na related sa kanila. Nagiging masama lamang sila dahil sinasabi ng nasa puder na masama sila.
- gusto ko lang sabihin na sukang suka na ko sa gobyerno. Pero dahil bahagi ako ng pamahalaan, wala pa din kong pagod na makikisangkot sa kahit na anong pamamaraang kaya ko. Hindi nyo ko mapipigilan. Hindi nyo kami mapipigilan. Mensahe ko sa mga pulitiko at sa nasa puder:UMAYOS KAYO DAHIL KUNG DI DAHIL SA AMIN WALA KAYO DYAN. ALIPIN LANG NAMIN KAYO AT KAMI ANG TUNAY NA AMO. HUWAG NA HUWAG NA HUWAG NYONG UUBUSIN ANG PASENYA NAMIN.
pebi talking in gibberish again around 11:26 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>