Labels: -
and the bashing starts randomly:
1. Pichay: "Itanim sa Senado", "Pangarap kung tuparin ang mga pangarap nyo"
- sya na yata ang may pinakacreative na campaign ad sa kasaysayan ng sanlibutan...tinalo pa ang ad ng US air force sa pagrerecruit ng mga enlisted personnel na ipadadala sa iraq..nagulantang talaga ako nung napanood ko ang ad nya...habang may nagsasalitang dugyot na ale, dugyot na bata o dugyot na mama, bigla bigla sya susulpot ng walang sabi sabi..kala ko ng una sasabihan nya din na pangarap nyang makaahon sa kahirapan at maligo..hay..surpise, surprise..tatakbo pala sa senado ang lolo mo..
2. Walking 'tol, mike defensor...
- yan mismo ang nakita ko sa poster nitong si mike defensor na ewan ko ba kung bakit sa edad nyang yan ay nakabraces pa...i had my braces 8 years ago for crying out loud!!!di ko din magets ang point ng "tol", di naman sya si robin padilla..kung "tuta" pa siguro maiintindihan ko pa kung bakit.
3. ang pre school education ni tessie aquino- oreta
- di ko alam kung naiintindihan ni madam oreta ang importansya ng edukasyon to begin with..yeah sure foundation ang pre school para sa mga bata pero di ito ang core issue sa problema ng edukasyon ng bansa..we need REAL educational reforms on the primary, secondart and most especially the tertiatry leve lalo na sa mga state colleges gaya ng UPl... taasan ang budget sa edukasyon.. hindi ang pagbibigay ng libreng pre school education ang sagot sa problema kundi libreng edukasyon mismo..argh!!!ang pathetic..wag sana reactinary..
4. many villar at ang pausong sayaw
- in fairness naenjoy ko yung ad nya..truli..walang halong biro..san ka nakakita ng kandidatong sumasayaw on tv..wahahahahaha!!joke talaga yon
5. ang obnoxious boom tarat tarat....zubiri, zubiri, boom2X
- sa lahat ng political ads ito para sa akin ang very pathetic... isang repleksyon lang kung gaano ka baba ang tingin ng ilang politiko sa level of thinking ng mga botanteng Pilipino..sad talaga..
6. ang ala "green party" epek ni loren
- di bumebenta sakin..lalo nung narinig kitang magsalita sa convention ng BM at kung pa paano isiksik ng alalay nya ang piles ng pocket calendar na me pagmumukha nya sa mesa ng registration..argh!!!isa pang obnoxious..
7. cayetano with boxing gloves on
- parang me subliminal message yung last part na yun ng ad nya..pero di ko inakalang gagawin nya yon dahil si walking 'tol mike ang inaasahan kung isuot ang gloves dahil ginamit nyang political jingle ang kanta ni manny pacquiao na di ko lubos maisip ung bakit nabuyong tumakbo sa eleksyo..at sa kongreso pa talaga!!hay, pano ba napunta ke pacman?a, dahil sa gloves...
8. ang tito mo
-joke din ito..akala ko kung anu yung dinadrama ni ate sa ad nya..wala ding point..ang masaya lang ung part na "donated by the DABARKADS of tito sotto"...
9. koRECTO(tarded)
- ika nga ni mhare magaling ang delivery ng script ni recto sa ad nya..in fairness talaga..pero anu ang pinupunto ng saumasayaw ng chacha na hawig ni gma ang leader at nung nasayaw ng hiphop na kamukha ni erap ung asa frontline?wahahaha!!!in fairness nagagandahan ako sa konsepto ng ad, magaling ang nag- isip...pinoproject talaga ang "neutrality" nito ni recto, at least on a prima facie sense..malay ko ba kung anu talaga ang totoo..lahat naman halos sila paruparo..
10. kung bad ka, lagot ka
- gusto ko ang presentasyon ni joker arroyo sa ad nya, sincere..at higit sa lahat di tinuturing na bobo ang mga botante...mas ok sa akin ang ganon...akala ba nila imbecile ang masang Pilipino?pwesto, nagkakamali sila...i salute kung sino man nagconceptualized ng ad ni arroyo..
**
bottomline, ayoko lang ng pagturing ng ilang pulitiko sa ating lahat...hindi tayo tanga, bobo, imbecile, stupido, tonta o kung anu pa..mahirap man ang pilipinas, bulok man ang sistema ng edukasyon, no brainer man ang pop culture at pathetic man ang mga nasa puder, hindi ibig sabihin non eh magpadala at magpapakahon tayo sa mga ideyang ito...
maging mapanuri..matalino tayon, hindi lang halata...as the cliche goes, vote wisely...
pebi talking in gibberish again around 12:56 AM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>