Ni Joi Barrios-Leblanc *
Congress of Teachers for NationalismandDemocracy (CONTEND)
Inilathala ng Bulatlat
Hubo't hubad,Nakadipa't nakatingala sa langitAng estatwa sa harap ng Quezon Hall.Iskolar ng bayan Na nag-aalay ng buhayPara sa bayan.
Ngunit kung ang iskolarAy di na iskolar,Kung ang pag-aaralAy di na abot-kamayNg walang yaman,Ang estatwa'y bakit hindi damitan,At telang itim ay ibalabal?Tumutol at magluksa!Anong kahihiyan ng bayangDi kumakalinga sa kanyang kabataan!
Pagkat may pangako na binigo,Batayang prinsipyong naglaho.Na ang bawat mag-aaralSa pinagpipitagang pamantasanAy iskolar ng kanyang bayan.Dapat sana'y, sa simula't dulo,Buong-buo,Iskolar ng kanyang bayan.
******
Iskolar ng Bayan, Ipaglaban ang Karapatan. Ipagpatuloy ang laban.
pebi talking in gibberish again around 1:59 AM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>