1. the advent of fantaserye
- sisihin si marina...sa pagkakatanda ko ito ang unang fantaserye sa balat ng kulturang pilipino..araw arawin ba naman ang mga ilusyong katha ng malilikot na isip ng mga scriptwriters na malamang ay binobombard na ng director, producer o sinu pa man dahil malapit na ang deadline nila (it's just a "loose assumption" of how the system works, ok..di ko forte to)...mahusay ang channel 7 dahil mahusay ang enchantadia at ang 2 pang sequel nito na di ko maalala ang title..pero utang na loob naman!!!!alam ba nila ang konsepto ng UMAY?yun bang pag- araw araw na ulam mo ay dinuguan, kahit pa favorite mo yun, eh dadating ang araw na amoy pa lang non eh gusto mo ng sumuka o di man ay tumakbo sa pinakamalapit na manhole para magtago..ngayon lumevel na ang fantaseryes, superhero naman ang bida..latest addition, SUPER TWINS!!muntik na ko magpadaig sa tukso at sumunod sa steps na pinapakita nung dalawang bata sa commercial ng supertwins ala instructional guide in suicide..worst, asa bus ako nito...tsktsk..ansakit sa ulo..
2. telenovela fever
- akala ko dati ang mga mexicano, argentinian, martian at taga planet x ang dapat sisihin sa paglabas ng mga telenovela tulad ng mara clara, esperanza, mula sa puso at captain barbell..hindi pala talaga..dahil bago pa man pala sumikat ng husto si judy ann, ay namamayagpag na ang karera ng mga artistang lumabas sa analuna, flordeluna, analiza, anabel, anagerera at kung anu anu pang pinagfuse na pangalan ng mga lola...
3. telenovela fever: resurrected
- bagong trend: pagbuhay sa panay ng henerasyon ng mga telenovelang nagpasikat kay janice de belen, herbert bautista, romnick sarmienta at marami pang iba..naiisip ba nila sa panahon ngayon ay wala ng nagpapangalan sa anak nila ng reneboy?give me a f*cking break...feeling ko tuloy asa time warp ako everytime nanood ako ng tv..buti na lang may deal or no deal sa primetime bida...sana pati sarswela irevive...pangarap ko talaga to..at least yon may historical value..baka gawaran pa ng parangal ng CCP ang sino mang bumuhay sa sarswela in primetime tv...
4. novelty songs
- kahit ayaw mo sa kanta, kahit na masahol pa sa kiniskis na styro ang boses ng singer/s, kahit na walang point at coherence ang lyrics, di ko mawari bakit tinatangkilik ang mga kantang to...worst, nakaka-LSS pa sila..even worst than worst, ginagawa pa silang pulitikal jingle ng mga pulitiko...tsktsk...
5. kettle corn
- bagong adiksyon ko..isang uri ng popcorn na may product differentiation..instead of drowning it it oh-so- sweet sugar, sinamahan sya na asin...madami din..hehe..sarap...
6. reality(?) show
- reality nga ba to begin with?hay, bottomline lang naman ng halos lahat ng reality show, mapa big brother man o starstruck, ay maghanap ng bagong pop culture icon na pagkakakitaan ng mga kapitalista..mabuhay si maverick and ariel!!!hehe...
wala naman tayong magagawa sa mga naglalabasang yan..sabi ng ilang socioloigist ang paglabas ng mga fantaseye ay dulot na din ng paghahanap ng mundong puno ng ilusyon at perpekto sa panahong sobrang hirap ang buhay.ang paglabas naman ng mga superhero ay dahil naghahanap tao ng isa o ilang figure that will salvage/sav us from the kind of existence we have now..kung mga reality show naman, nagmomold ng panibagong standard at role model para sa mga kabataan para sa uri ng pagkataong gusto nila magingdi ako naiinis inherently sa ilang pop culture icon..nagsulputan lang naman sila para punan ang pangangailang natin, physical man o metaphysical..mahal ko ang pop culture kahit na alam ko minsan, hindi kadalasan pala, ay pinererahan lang nila ako, inuubos ang oras o kaya pinasasakit lalo ang ulo...for me, popular culture defines the society we have on a prima facie sense.. di mo na kelangan pang pumunta sa library of congress para lang malaman ang uri ng lipunan na iyong ginagalawan..magmasid ka lang...
****
yehey for binding na thesis ko!!!!
pebi talking in gibberish again around 1:02 AM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>