wala akong maalalang UP student na nagsabing gusto na nya umalis ng UP. para sa karamihanng estudyante at mga naging estudyante ng UP,kung hindi man sa lahat,ang UP ay isang utopia.isang lugar na tila oasis kung ituring ng mga kabataang uhaw sa kaalamang hindi lamangyaong matatagpuan sa mga aklat, kundi yaong kaalaman na pakalat kalat lamang kung saan saan na kinakakailangan ng isang normal na tao para maharap ang tunay na mundo. sa UP walang pipigil sayo kung anu ang mga pipiliin mo sa buhay. may ilan akong kakilala sa highschool na pinagmulan ko na tuluyan ng naging cross dresser pagtungtung nya ng UP. ika ng isang kaibigan, dalagang pilipina na ang datingpasimpleng bakla.may ilan naman na noong highschool ay pilit na ibinabaon sa kaiilaliman ng isipan ang sarilingideyolohiya at mga paniniwala sa kadahilanang hindi ito tanggap ng lipunang kanyang ginagalawan.may iba naman na tahimik lang at hindi kayang ipahayag ang saloobin dahil sa ito aytila ba weird sa pamantayan ng tunay na mundo. marami din ang tila ba vagabond na paikotikot lang sa lansangan ng mundo at tila walang direksyon ang buhay. pero pagdating ng unang arawnila sa unibersidad, iisa lang ang kanilang nausal "i am home".
may kakaibang feel talaga ang UP. ika ng nga ilang propesor ko noon na naging bahagi ng undergroundmovement noong panahon ng martial law, kung tawagin nila ang UP ay ang "last frontier of democracy"ng bansa.kung susuriin, medyo malalim ang pinagmulang ng mga katagang yaon.dahil noong panahon umano ng martial law, bukod tanging sa UP lamang naipapahayagng mga petiburgis, mga intelektwal, mga mag- aaral at mga "free minded" na mamamayan ng bansaang kanilang galit laban sa rehimeng marcos. pero sa panahong ito, ang mga nasabing salitaay hindi pa din naman out of context. fact of life na na ang UP ay pinamumugaran ng mga political and liberated minded individuals. dito, kahit sa panahong ito, myriad ideologieswill come your way. you choose what to embrace. walang pipigil syo. walang magsasabi syonglesbiana ka kapag peminista ka. walang magba-brand syo na son/daughter ofsatan kapag sinabi mong atheist ka. wala din matatakot syo pagngalandakan mong komunista ka.subukan mong ipangalandakan ang mga yan sa real world, tiyak ko tingin na syo ng tao sira ulo.maliban sa kalayaan na pumili ng mga paniniwala, malaya din ang mga indibidwal na bahagi ng UPna ipahayag ang kanilang mga sarili. kung ukay ukay lang ang UP, tiyak ko it can cater to almostall sorts of personalities. nariyan ang mga punkista, musicians, rocker. dahil UP, syemprehindi mawawala ang mga geek at nerd. hindi din magpapahuli ang mga laid- back people na magsuot lang ng tsinelas at shorts, at kahit di magsuklay, ay pumapasok sa klase. may mangilanngilan na mga konyo. syempre pa, hindi mawawala ang mga weirdo. lahat ng klase, you name it,UP have it. pero kahit ibat ibang uri ng tao ang namamahay sa UP, wala pa ding pakealaman.mayroon kang laya na magmukhang rocker, nerd, weirdo o konyo (literally anf figuratively), walangtatawa o titingin syo na para bang nawawala ka na sa katinuan.yan ang tinatawag na kalayaan. may mangilan ngilan akong nakakausap mula sa ibang unibersidad at minsan nabanggit ko sa kanila na sa UP, pwede kang makipagdebate sa propesor sa tagalog kahit na nag-i-english sya.hndi ka nya sasabihang tanga o pagsasabihan na mag-english din. gulat sila pagsinasabi ko ito,pero ito ang realidad ng UP. naalala ko dati sa History4 class ko (Kasaysayan ng Kababaihansa Pilipinas), nagkaroon ng discussion kung bakit nakakaya ng mga kano na sabihi ang mga salitang vagina at penis samantalang tayong mga pilipino hirap na hirap sabihin ang mga tagalog counterpartng mga salitang ito. inienglish pa natin as if it makes any difference.kaya naman nagkaroon kami ng speaking exercise. paulit ulit naming inusal ang mga salitangpuke at titi. noong una natatawa pa ang buong klase at nahihiya, pero nung lumaon lumakasdin ang pagbigkas ng bawat isa.parang the vagina monologues lang. walang kumatok sa amin na guard para sawayin kami. walang dumatingna taga admin para ireprimand ang aming prof. walang isyu pagkalabas namin ng silid aralan.natutunan naman pagkatapos nung exercise na yun na sabihin ang puke at titi tulad ng pagsasabing kaibigan at pag- ibig.
napaka ideal talaga ng UP para sa paghubog ng isipan at kamalayan ng kabataan.una, hindi pinipilit dito na maniwala lamang iisang reyalidad lamang. dito maaari kang makapili kung ano ang susundin mo at kung anu ang paniniwalaan mo. kaya nga walang religion natinuturo dito ay upang maipakita na hindi sarado ang isipan ng UP sa iisang relihiyon lamang.para sa akin ang panahon ng pagpasok sa kolehiyo ng isang indibidwal ay isang crucial phase sa kanyang eksistensya. kaya naman mahalaga na sa pagbuo ng isang tao sa kanyang pagkatao ay mabigyan sya ng pagkakataon na makapamili ng kaisipan at paniniwala na alam nyang nababagay at makakabuti sa kanya. ganyan sa UP. kaya masasabi kong karamihan ng mga isko at iska ay natatangi dahil sila mismo ang bumuo sa kanilang pagkatao at hindi ang isang institusyon lamang.ito ang tinatawag na kalayaan.ikalawa, sa UP mo lamang mararamdaman na bahagi ka ng isang malaking lipunan na nangangailanganng iyong paglingkod. siguro sasabihin ng ilan na isang lofty ambition at isang fantasy lamang itong sinasabi ko. guni guni ika nga. pero sa oras na bumukas syo ang pintuan ng UP at ikawnaman ay pumasok, hindi pwedeng hindi mo ito maramdaman. manhid na lamang ang hindi makakarinig sa pagtawag syo ng lipunang iyong ginagalawan. kaya nga isang walang saplotna estatwa na nakaspread ang arms ang simbolo ng UP. dahil kahit hindi sadyain, ganito hinaharapng mga isko at iska ang mundo. bukas palad at handang maglingkod.
kaya naman sa sobrang pampered ng mga UP students, nakakalimutan ng karamihan na iba ang UP sa totoong mundo. kung tutuusin, ang UP ay isa lamang artipisyal na mundong nilikha ng mga intelektwal na idealistic at optimistic na ang tanging hangad lamang ay mabuhay sa isang daigdig na kaya silang tanggapin. kung baga, ang UP ay kanlungan ng mga pariah, kaya pagkatapos pawalan ng unibersidad ang mga mag-aaral na ito sa tunay na mundo, culture shock agad ang mararamdaman. dahil ibang iba ang kulturang UP sa kultura ng daigdig. kaya naman takot agad ang namamahay sa puso at isipan ng bawat isa. para bang batang natututo pa lang maglakad. kapag kumalasna sa pagkakakapit sa kamay ng kanyang ina, pakiramdam nito siya ay matutumba. pero tulad din ng batang ito, hindi naman pakakawalan unibersidad ang kanyang mga supling kung alam nitong hindi pa niya kayang tumayo sa sarili nilang mga paa.oo aminado ako, hindi sapat ang apat na taon na paglagi ko sa UP. kahit marahil ang ibang overstaying na sa UP,sasabihn na hindi pa din sapat ang mahabang taong ginugol nila sa paaralang ito. pero alam ko na ang aking nararamdaman, maging ng karamihan, ay dulot lamang ng takot sa kawalang maaaring maharap maglabas ng unibersidad. ngunit sa tingin ko, sapat na ang pag-aaruga sa atin ng unibersidad. sapat na na tayo ay tinuruan nyang mag-isip ng malaya at mamili ayon sa dinidikta ng ating isipan. sapat na na tayo ay tinuruan nyang maging iba at matutong pangatawanan ito. sapat na na tayo ay binigyan nya ng pagkakataon na makapamuhay sa isang komunidad na hindi alintana ang kaibahan ng isa't isa. dahil sa paghahandang ito ng UP,handa na tayo higit kanino man na humarap sa mas malaking mundo anu mang oras.
ngunit natatakot man ang karamihan sa simula, sa huli ay mananaig pa din ang mentalidad ng isang UP student. kahit gaano man kalakas ang lure ng real world, mananatili ang inner isko at iska sa puso at isipan ng bawat kabataang dumaan sa unibersidad na ito. tanga na lamang ang magsasabi na pilit silang binabago ng totong mundo at sya naman ay nagpabago. dahil kung ang isang UP student ay magpapadala sa narrow-mindedness ng real world, parang wala syang natutunan sa unibersidad. nasayang lang ang effort. sa isang crowd, kahit tila baga mukha ng clone ng bawat isa ang isa't isa, pilit pa ring umaangat ang tatak UP. hindi na maiaalis pa yun. once a UP student, always a UP student.
-komentaryo ng isang iska na nasumpungan ang post-UP enlightenment sa cruel real world.
pebi talking in gibberish again around 4:25 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>