Hindi talaga ako poet, higit sa lahat hindi ako romantic.pero sinubukan ko na rin.enjoy.*wink*
Insomia
Alas tres ng umaga.
Pucha nakaidlip ata ako!
Tatlong libro, isang kilong readings
At milyones na website pa
Ang dapat basahin.
Wala pa sa kalahati ang
Nababasa ko.
Nyetang prof yan!
Pasikat. Paksyet.
Alas tres ng umaga.
Luluwa na ang mata ko
Kakapanood ng TV.
Ewan! Bakit ba kasi
Ako nagpapauto sa mga
Basurang pinipilit ipapanood
Sa akin ng mga kapitalista?!
Siguro tanga lang talaga ako.
Ay naku may sequel pa pala to.
Alas tres ng umaga.
Kanina pa ako gising.
Santambak pa din ang labada.
Ayoko kasing simulang paikutin
Ang washing machine ng alas otso
Dahil tiyak, agawan na naman yan.
Unahan.
Amazing race sa samampayan
Alas tres ng umaga.
Gising pa ako
Sabi kasi ni Elen antayin ko daw
Ang pagsilip ng Pluto sa mahiyaing si Earth.
Huli na daw to sabi nya,
Dahil ang susunod na enkwentro
Ay isang milyong dekada pa uli magaganap.
Alas tres ng umaga.
Nagbibilang pa din ako ng tupa.
Four thousand, four million
Ilang tupa na nga ba yun?
Hindi pa ako di ako inaantok.
Anak ng tupa!
Sheep!
Alas tres ng umaga.
Pauwi pa lang ako.
Ayus mag- tip ang bundat ng matandang yun.
Tatlong daan, isang giling.
Dalawang daan, kunting kiliti.
Matinong agahan at tanghalian
Na naman to.
Pero tulog muna.
Alas tres ng umaga.
Hindi pa ako tapos mag rosary.
Hail mary, ama namin, glory be.
Hala ka, napikit na aking mga mata.
Alas tres ng umaga.
Tatlong redhorse na ang tumumba.
Pero ako at si pare,
Buhay na buhay pa.
Anong araw ba bukas?
Nyeta, aabsent na lang ako.
Hangover na naman sigurado.
Alas tres ng umaga
Gising pa nga ako?
Bakit kasi alanganin ang shift ko
Yan tuloy mukha na ko yung zombie,
Sa Dawn of the Dead.
Naiintindihan pa kaya ng kausap ko?
Hello sir, magandang umaga!
Ay kano pala ang kausap ko.. Opo..
Alas tres ng umaga
Matulog gugustuhin ko pa ba?
Kung ang buhay sa mundong ito
Ay nagsisimula kapag sinabi
Na ng relo na alas tres na ng umaga.
pebi talking in gibberish again around 11:58 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>