111
Thursday, July 19, 2007

ALAALA

May tindahan dati sa tapat ng high school na pinapasukan ko na talagang di ko makalimultan. ang may ari nito ay dalawang matandang mag- asawa, at may kasama silang isa pang babae (posibleng kasambahay) na halos sing edad na nila. elementary pa lang ako, buhay na yung tindahan. at nung mga panahng iyon, lolo at lola na ang tingin ko sa kanila. but i never get to know these people. para sa akin, sila lang yung may- ari ng tindahan. at kung nakalimutan magdala ng kandila para sa workshop sa dramatica o kaya wala ng ibang bukas na tindahan sa paligid dahil sabado...napakadistant kasi nung tindahan, parang takot na bata na nagtatago sa ilalim ng kama dahil akala nya may mumu sa kwarto nya..isang misteryo ang tindahan para sa akin, pati na yung may- ari... pero magkagayon man, hindi ko inakala na magiging bahagi pa din sila ng buhay ko.

noong martes napadaan ako uli sa may tapat ng high school na pinanggalinggan ko. ang daming estudyante. labasan na kasi. halos walang pinagbago ang kapaligiran. andon pa din yung nagtitinda ng hotcake na kulay yellow, ng palamig na melon flavor, fishball, kwek kwek, proven, at yung iba pang paborito ng mga batang walang pero (hanggang ngayon paborito ko pa din sila)..pati yung suking pa-xerox-san namin (ang Keyvin Mark *wink*) ay andon pa din..pero nawala na ang tindahan nila lolo at lola...hindi ko napigilan na mapahinto sa kinaroroonan ng dating tindahan..kainan na ito ngayon..tinanggal ang pader para makita ang looban ng maigi. nawala na ang misteryo ng lugar..hindi na din ang mga matatanda ang tumatao sa kainan na pumalit sa tindahan...ibang mga tao na..hindi ko na sila kilala...

oo, kumpara nung kabataan ko, tila ngkaroon ng buhay ang espasyo na kinaroroonan ng nasabing tindahan. dati mukha itong haunted house..ngayon puno na sya ng mga estudyanteng nagtatanghalian at nagtatawanan..yung mga tindera pa sa nasabing kainan ay parating nakangiti, hindi tulad nung grumpy na matatanda...pero mas gusto ko yung tindahan at sila lolo at lola kesa don sa pumalit..hindi ko akalaing malulungkot ako..nung sinabi ko kay mon na wala na nga yung tindahan, nalungkot din sya...hindi ko akalain na maaapektuhan ako ng matindi...nasaan na kaya sila lolo at lola? asan na kaya yung kasama nila? lumipat ba sila ng lugar? buhay pa kaya sila? hindi man ako naging malapit sa mga taong iyon at sa tindahan nila, naging bahagi naman sila na buhay ko ng hindi ko namamalayan...

nalulungkot ako..tila ba lahat ng bagay na nakagisnan ko sa paligid ko ay unti unti ng nagbabago...pero kung asan man sila lolo at lola, pati yung babae na kasakasama nila, sana nasa mabuti silang kalagayan...




pebi talking in gibberish again around
11:17 AM

0 comments













<$BlogItemCommentCount$> Comments:

<$BlogCommentBody$>

By <$BlogCommentAuthor$>, at <$BlogCommentDeleteIcon$>


"..we felt the imprisonment of being a girl, the way it made your mind active and dreamy and how you end up knowing what colors went together. We knew the girls were really women in disguise, that they understood love, and even death, and that our job was merely to create the noise that seemed to fascinate them."

-The Virgin Suicides(1999)


...Abstract Expression...

expressing in abstract is my cup of tea.which explains my fascination to the cryptic and the obsure.

...the Abstract Expressionist...

febbie anne.popularly know as pebi,febbie,febz and piboy among others.frequently inebriated by sofia coppola films, bjork and coldplay songs, and haruki murakami novels.a political science misfit. an artist bereft of opportunity.an off-key chanteuse.a cinephile and bibliophile.neophyte in wordplay. in dire need of a loyal sycophant.

prepare to decipher the enigma......






Youniverse Personality TestYouniverse Personality Test









...Express Yourself...











   







...Other Expressionists...

POLSAYBLAKPAYB (PolSci Blk5 '03)

miguel adrid
justin agraviador
michael ditchella
janine fernandez
mhare junasa
jerick medrano
olga guela
ian perez
nea reyes
joyce ann rojo
jayson yang
christopher aquino
lad madrigal
joanne lara
mimi
cmaquest
peace
normandb
philippine travel

sir carl ramota
sir john ponsaran
robert go
rep. joel virador

jessica zafra
kooky tuazon

world's oldest blogger
kiko machine komix
movie records
lilok pelikula
bittergrace
digital buryong
blog ni inday
eric chan
blogger
gmunchkin
traveldestinations
1minutefilmreview
wordsonthetipofmytongue
film asia
brandsite


Locations of visitors to this page