111
Sunday, August 19, 2007

TATLONG MILIMETRONG ALAALA

ang mga sumusunod ay base sa tunay na pangyayari....

Tatlong Milimetrong Alaala

Ordinaryong araw.
Lulan ng isang maaliwalas na jeepney
Tumungo ako sa isang santuaryo kung saan
minsan nanahan ang aking diwang walang matunguhan.
Tahanan.

Sa lahat ng araw, bakit ngayon pa?
Sa aking muling pagbabalik hindi lamang
ang mga nakaraanang alaala lamang ang
pumukaw sa isipang puno ng hapis.
Hindi ko inakalang sa payak na araw na ito
ang isang tulad mo ay makikigulo din sa isipan ko.

Anung pakay mo?
Bakit sa gitna na nagsisiksikang mga kabataang
umaasang makapasok sa aking tahanan
bigla kang lumutang.
Isa kaba sa kanila?
Ngunit sa tindig mo tila ba
matagal ka ng bahagi nitong mundong
dati’y aking ginagalawan.
Dito ka rin ba nananahan?

Sumakay ka sa jeepney na lulan ko.
Hindi kita pansin sa iyong pagsakay
ngunit ika’y naupo sa aking tabi.
Tatlong milimetro lang ang ating pagitan.
Maganda ang buhok nya, nausal ko sa aking isipan.
Hindi ko madalas pansin ang mga lalaking
ang buhok ay kahalintulad sa isang dalaga.
Ngunit ikaw ay naiiba.
Taga dito ka ba?

Sa tagal ng pag- usad ng ating sinasakyan,
nakatulog ang karamihan, kasama ka na.
Pinili kong manatiling mulat upang
ika’y aking mapagmasdan ng di mo namamalayan.
Habang ika’y naglalakbay sa mundo ng panaginip
aking pinag- aaralan ang bawat linya sa iyong mukha,
ang bawat hibla ng iyong buhok,
ang kurba ng iyong ilong
Sino ka ba?
Saan ka nagmula?
Taga dito ka din ba?

Pababa na ako,
pero maari bang huwag na lang muna?
Bakit kailangang lumipad
ang oras gaya ng mga paru paro sa tangahaling tapat?
Bakit kailangang umandar pa itong sinasakyan?
Sandali lang, pero hindi ko pa alam ang iyong pangalan!
Sino ka ba? Dito ka din ba nakatira?

Sa aking pagbaba,
ipinasya kong hindi na muling lungunin ka.
Pero di ko natiis, tiningnan kita sa huling pagkakataon
habang umuusad yaong sinasakyan,
Hindi ko inakalang nakatingin ko din.
Ang iyong mga mata ay tila ba nagpapaalam.
Ang iyong tingin tila nagtatanong din.
Sino ka ba? Dito ka ba nakatira?

Sa ngayon marahil ay paalam na lang muna.
Hindi kita nakilala,
ni hindi ko din nalaman kung taga dito ka.
Ang tanging nalalaman ko,
isip ko ay iyo sa loob ng sandaling
tatlong milimetro lang ang pagitan natin.
Ang bawat linya sa iyong mukha.
Ang bawat hibla ng iyong buhok.
Ang kurba ng iyong ilong.
Ang mga iyon ay bahagi na lamang ng alaala.
Alaala ng kanlungang na aking diwa.
Alaalang habang buhay na itatago sa kailaliman ng walang paglimot.
Makita ka pa kayang muli?
Ang iyong mukha maalala ko pa kaya?
Sino ka ba?
Dito ka din ba nakatira?
Hanggang sa susunod na pagkikita.




pebi talking in gibberish again around
1:08 AM

0 comments













<$BlogItemCommentCount$> Comments:

<$BlogCommentBody$>

By <$BlogCommentAuthor$>, at <$BlogCommentDeleteIcon$>


"..we felt the imprisonment of being a girl, the way it made your mind active and dreamy and how you end up knowing what colors went together. We knew the girls were really women in disguise, that they understood love, and even death, and that our job was merely to create the noise that seemed to fascinate them."

-The Virgin Suicides(1999)


...Abstract Expression...

expressing in abstract is my cup of tea.which explains my fascination to the cryptic and the obsure.

...the Abstract Expressionist...

febbie anne.popularly know as pebi,febbie,febz and piboy among others.frequently inebriated by sofia coppola films, bjork and coldplay songs, and haruki murakami novels.a political science misfit. an artist bereft of opportunity.an off-key chanteuse.a cinephile and bibliophile.neophyte in wordplay. in dire need of a loyal sycophant.

prepare to decipher the enigma......






Youniverse Personality TestYouniverse Personality Test









...Express Yourself...











   







...Other Expressionists...

POLSAYBLAKPAYB (PolSci Blk5 '03)

miguel adrid
justin agraviador
michael ditchella
janine fernandez
mhare junasa
jerick medrano
olga guela
ian perez
nea reyes
joyce ann rojo
jayson yang
christopher aquino
lad madrigal
joanne lara
mimi
cmaquest
peace
normandb
philippine travel

sir carl ramota
sir john ponsaran
robert go
rep. joel virador

jessica zafra
kooky tuazon

world's oldest blogger
kiko machine komix
movie records
lilok pelikula
bittergrace
digital buryong
blog ni inday
eric chan
blogger
gmunchkin
traveldestinations
1minutefilmreview
wordsonthetipofmytongue
film asia
brandsite


Locations of visitors to this page