that's it, i am resigning...call center is just not the work for me.. sure natutuwa ako sa mga activity. as of now training pa lang naman kaya fun. masasayahin at mababait naman yung mga tao.. pero ayoko pumasok araw araw na parati na lang may apprehension...next week i'm resigning..wala akong pakialam kung wala na akong trabaho, at least i learned something..
saludo talaga ako sa mga tumatagal sa call center. ang taas ng threshold nila. whatever their motivations are, siguro effective talaga..nagugulo na ang sistema sa bahay. pati sistema ko nagugulo.. kaninang umaga naiiyak na naman ako. pagdating sa EDSA nakipagbuno pa ako sa mama na muntik akong pagnakawan. buti walang nakuha sa akin kasi bago pa man nya nagawa ang mga balak nya, nahuli ko sya. after ng incident na yun, pagdating ko sa IBM, wala na akong nagawa kundi umiyak sa mga kasamahan ko. nakakahiyaoo, dahil on a normal basis hindi ako umiiyak sa mga ganoong bagay. pero ika nga sa Psych101 dati, pag umiiyak na ang mga taong katulad ko ang personality (yung hindi masyadong emosyonal na nilalabas sa pagluha), ibig sabihin napuno na sya. iba yung iyak ko eh. sana talaga andon sila nea. natigil ang pagtulo ng luha ko after a few minutes, pero nawala ang tensyon ko nitong tanghali na lang. nasabi ko lang sa sarili ko, "that's it!i'm out.." pero natuwa naman ako kay mike, yung isa kong kasama sa IBM. tinanong nya ko "febbie suko na ba?", sagot ko "oo". sabi nya "wag, laban pa". i really appreciate that,pero paano mo ipaglalaban ang isang bagay na hindi mo naman kayang ipaglaban at wala kang lakas ipaglaban dahil hindimo talaga kayang gawin?
ngayon ko lang napatunayan na magugustuhin ko pa ang trabahong kahit hindi ako bayaran pero masaya ako. iba yung fulfillment eh.. hindi ako ang tipo ng tao na mabilis sumuko lalo na kung gusto ko ang ginagawa ko. dahil kung ganon ako, hindi siguro ako makakatapos sa UP on time. ang pamumuhay ko sa IBM ngayon ay may pagkakatulad din sa UP. madalas akong puyat nung kolehiyo, gaya ngayon. malayo din ang byahe ko. umabot sa punto nanahirapan ako at nag-iiniyak, pero diko isinuko ang UP. bakit? dahil i am having fun. sure magkaiba ang work sa school, pero pareho lang ang atake ng tao sa mga bagay na ito.hindi lang naman ako ang nagkakaproblema ng ganito. sila nea at jerick din.
tama si miguel, buti na yung maaga kami umabot sa mid-less crisis at ayaw namin sa una naming trabaho dahil ibig sabihin nito we wanted to grow. hindi lang kami basta nakokontento dito. mahal ko si miguel.
maybe i am still on to becoming the somebody i wanted. ayoko maging bayani, sikat o kung anu pa man. gusto maging ako. at siguro, hindi ko sa call center iiwan ang legacy ko....
pebi talking in gibberish again around 5:10 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>