Ang pananaw ng isang bum na political science graduate sa nakaraang eleksyon. In focus: ang senado.
- the moment Sen. Ralph Recto released his political ad by which he tried to use the EVAT for his advantage, I know that it was the end of his senatorial career, at least this elections. I even placed a beat on it. sabihin na natin na ang intentions nya sa pag-sponsor ng EVAT ay good, but the thing is the common tao are irated with this additional burden. Mahirap i-defend ang stand mo sa isang usapin kung mga taong apektado na kinakausap mo ay nagugutom at naghihirap. Why would they bother to scrutiny the pros and cons of EVAT. Magre-react ang tao ayon sa kasalukuyan nilang lagay sa buhay. Naghihirap na ang Pilipinas, bakit pa dadagdagan ng isa pang pahirap? Kaya Recto shouldn’t expect the people to understand his standpoint and eventually put him back to Senate. For the people, he is already the perpetrator of their misery. Though I extol Recto’s decision to go independent and “detach” his self from the apparent political bipolarization. At least pinakita nya na wala syang pinapanigan. Magandang start sana to kung may presidential aspirations sya. pero it seems it’ll be curtailed, dahil magbabalik senado daw sya sa 2010. my advice: goodluck.
- Bagito sa senado ang ilan sa mga nakapasok katulad nila papa chiz, noynoy at alan peter. Though yung ilan beterano na sa senado. I am expecting something different now. Pero makakaasa kaya tayo? I doubted it. Bakit? Dahil yung mga bagito na nabanggit ko ay beterano na din naman sa pulitika. Galing pa sila sa mga political clan. the Escuderos, Cayetanos, and who would forget the Aquinos. Sana naman kahit na nagmula sila sa old political families, their ideals are anachronistic. Bagong pulitika dapat, hindi trapo. Kaya I am really expecting something from these guys.
- the dark horse that is Antonio Trillanes III, who would have thought he will be able to make it to the 11th place? I rooted for him though. Naalala ko before sabi ng isang political analysis kaya daw nakapasok sa top 12 si trillianes dahil in a way the people wage a “political rebellion” against the present political situation. Para sa akin, its not about blindly voting for someone just to take vengeance against the present system, it is more of seeing hope anew from an idealistic man. I mean, come on! Whoever has the guts to wage a so- called mutiny in corporate makati just to get the attention of the government regarding the travails of the military? For some it was insanity and pure whimsical endeavors, to many (as manifested by the recent elections) it is audacity at its purest. Nakakita na flicker of hope ang tao kay trillianes na magdadala sya ng bagong pulitika sa senado. Kya binoto sya na tao. Same with the political scenarion in some part of the country tulad sa Pampanga. The best yun!! Kahit hindi ako kapangpangan, gusto ko manalo yung pari. Para matigil na yung reign ng mga political clan don. Sana ganon din karamihan na bahagi ng bansa.
- wala na ang magic ng mga artista apparently. Talo agad sila cesar montano at Richard Gomez. Natuto na din ang mga tao finally. Sure madami din naman nanalo sa local posts, pero ayaw na ipagkatiwala ng mga tao senado sa mga artista. People are now looking for ideals, not entertainment. They are now choosing substance over projection. I must say nagiging natalino na ang mga Pilipino. Kudos Filipinos!!
- kung mapapansin, lamang ang GO sa senatorial race at 2 lang from TU. Pansinin kung sino ang nakapasok from TU sa senado: Angara at Arroyo. In fairness matino ang track record ng dalawang ito. Although pareho silang post- Marcos politicians. I am Arroyo forever, I love this guy. hindi ako masyadong maka- Angara, pero ayon nga, may silbi naman sya. people now are really thinking I must say.
- I also commend Pangilinan, though hindi ko sya talaga gusto, for going independent. Kung mayroon man presidential ambition si Kiko, magandang start ang ginaawa nya ngayong eleksyon. Pero mas sinuwerte sya kay Recto. Dahil siguro kay Sharon. Hehe.
- though magulo pa din ang nakaraang eleksyon, I should say na this time people are able to exercise their political will freely (although yung political rights medyo questionable ba dahil sa dayaan and others). Ang mahalaga ngayon, kaya na natin magpumiglas sa shackle ng ineffective politics. Kaya na natin magsalita, through our votes, na gusto natin ng pagbabago sa sistema. Kaya sa lahat ng botanteng bumoto, MABUHAY TAYO. Sa mga botanteng hindi bumoto, WALA KAYONG KARAPATANG MAGREKLAMO.
pebi talking in gibberish again around 8:25 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>