111
Friday, May 25, 2007

MIDLIFE CRISIS AT 21


Orientation ko ngayon sa IBM. I’m officially employed. Pero hindi ako natutuwa. Actually during the entire orientation gusto ko ng umiyak. From 9am to 5pm I was holding back my tears. Ang hirap para sa isang excessively articulate (talkative euphemised) katulad ko, ang manahimik ng matagal. Sure I had chitchat with my seatmate during the orientation, pero that was it.

I reckon di ako tatagal ng 6 months sa IBM. Bakit ko naman nasabi yun eh hindi pa naman ako nagsisimula? Well for the record I’m a type who always regards first encounters. Medyo uneasy na ko sa first day of work (or I must say pre- first day work) ko. For one wala pa akong name-meet na nilalang na kawavelength ko. Sa kolehiyo kasi, you were all there dahil parepareho kayo sa isang aspekto ng inyong pagkatao lalo sa isang unibersidad katulad ng UP. Nariyan na parepareho kayo ng mental capacity, and there is a greater chance that you’ll meet someone na katulad ng mental status mo pero still equates your unique weirdness. Samantalang sa trabaho, heterogeneous ang mga taong makikilala mo. Iba iba ang takbo ng utak. Iba iba ang laman ng utak. Though sa UP ganito din. Pero iba pa din ang kolehiyo. Kunswelo ko na lang ay magkaroon ako ng kasama don na taga UP. It’s not UP complex per se. It’s merely trying to reconstruct a new home out of the one you left. Isa pang di ko matatagalan I think, kahit kanina sa orientation, eh ang mga pseudo- elitista. Namimiss ko ang UP dahil people there converse in English almost always but without the elitist pretense. Save for the konyos, the real ones for that. Personally, hindi batayan ang kagalingan sa pagsasalita ng banyagang wika para masabi na mahusay kang tao. Hindi iyon ang natatanging sukatan.

In any case you’re damn right, I’m scared of stepping out my comfort zone.

Ngayong nakahanap na ako ng work, parang ayoko na magtrabaho. Hindi dahil sa ayaw ko lang. It just that there are things that you only realized once you’re already committed in to something. Parang ngayon, regardless of the salary, parang gugustuhin ko pa din yung trabaho na align sa degree ko. Gusto kong maglingkod. Gusto kong bumalik ng UP para magturo. O kaya sumali sa CenPEG. O kaya mag-full time sa BM o kahit na anong mass org. O kaya magtrabaho sa Senado o Kongreso. Oo mababa ang sweldo, pero hindi siguro ganito ang mararamdaman ko. Mas ok na siguro yung masama ang loob kung pumasok sa trabaho dahil lang sa sweldo kaysa masama ang loob ko dahil sa uri ng aking trabaho. Hay… I think I won’t really reach regularization. Do I sound pessimistic? Yes I do. I won’t give any justifications for that.

Ang hirap itapon sa mundong hindi ka pamilyar. Ang hirap mamili sa pagitan ng kaldero at prinsipyo, lalo pa kung alam mo na hindi ka mapapakain ng prinsipyo mo at alam mo din na hindi matutugunan ng gaanong kalaking pera ang prinsipyo mo sa buhay. Oo umiiyak na talaga ako ngayon habang sinusulat ko to. Hindi ko na mapigilan.

Sana magstart na talaga ako sa IBM. I think it’s a good company naman. Pero ang may problema ay ako, hindi ang kumpanya. Tama si nanay, sa ngayon hindi ko pa talaga alam kung saan ako papunta. Kung saan ako dadalhin ng buhay. Hindi ko maipagkakailang natatakot ako. Ang totoo, takot na takot ako dahil lover ako ng status quo. Pero kung dadating ang panahon na matagpuan ko na ang itinalaga sa akin ng buhay, alam kong hindi na ganito ang mararamdaman ko. Sabi nga nila, matindi daw ang woman instinct. Sa pagkakataong ito, kahit hindi ko ito madalas gawin, pinapakinggan ko na ito.

Tanda ko nung high school sabi ko “the last thing I want is to become just a part of statistics”. Sa nangyayari ngayon sa buhay ko, mukhang kinain ko na ang mga binitiwan kong salita. Pero bata pa naman ako. Kahit may suicidal tendencies ako (hahaha!!!) naniniwala akong hindi pa huli para matupad itong nasabi ko matagal na. I’ll never be just a number or another nameless face. I am going to be somebody.

Sa ngayon, I have to bear with my apparent choice. Forward lang tapat ang tingin. Walang lingunan. Walang balikan. Sana lang yung friendshipna naforge ko nung college wag mawala. Hay, siguro isa din sa rason bakit ako nagkakaganito eh dahil I came to realized that when I begun to be dependent with these people, circumstances are inconsiderately repelling us.

Bottomline ng lahat ng ito: hindi pa ako handa sa real world. I envy Joyce.







pebi talking in gibberish again around
8:50 PM

0 comments













<$BlogItemCommentCount$> Comments:

<$BlogCommentBody$>

By <$BlogCommentAuthor$>, at <$BlogCommentDeleteIcon$>


"..we felt the imprisonment of being a girl, the way it made your mind active and dreamy and how you end up knowing what colors went together. We knew the girls were really women in disguise, that they understood love, and even death, and that our job was merely to create the noise that seemed to fascinate them."

-The Virgin Suicides(1999)


...Abstract Expression...

expressing in abstract is my cup of tea.which explains my fascination to the cryptic and the obsure.

...the Abstract Expressionist...

febbie anne.popularly know as pebi,febbie,febz and piboy among others.frequently inebriated by sofia coppola films, bjork and coldplay songs, and haruki murakami novels.a political science misfit. an artist bereft of opportunity.an off-key chanteuse.a cinephile and bibliophile.neophyte in wordplay. in dire need of a loyal sycophant.

prepare to decipher the enigma......






Youniverse Personality TestYouniverse Personality Test









...Express Yourself...











   







...Other Expressionists...

POLSAYBLAKPAYB (PolSci Blk5 '03)

miguel adrid
justin agraviador
michael ditchella
janine fernandez
mhare junasa
jerick medrano
olga guela
ian perez
nea reyes
joyce ann rojo
jayson yang
christopher aquino
lad madrigal
joanne lara
mimi
cmaquest
peace
normandb
philippine travel

sir carl ramota
sir john ponsaran
robert go
rep. joel virador

jessica zafra
kooky tuazon

world's oldest blogger
kiko machine komix
movie records
lilok pelikula
bittergrace
digital buryong
blog ni inday
eric chan
blogger
gmunchkin
traveldestinations
1minutefilmreview
wordsonthetipofmytongue
film asia
brandsite


Locations of visitors to this page