dahil mukha akong pera at gusto ko uli mag- aral, papatusin ko na ang call center. Basta may trabaho for the meantime, sige lang.
we are applying right now sa accenture. Nag-usap kami ni tatay, pano daw kung call center lang ng accenture ang may job offer. Natigilan ako, umasa kasi ako na baka matino ang maibigay sa amin. After a few minutes, I’ve decided na papatusin ko pa din. Una, tinatamad na ko maghanap ng trabaho. Ang hirap kasi na sa matagal na panahon, nasanay ka na pag summer dapat nagpapahinga lang talaga dahil may nakahain kang gagawin by june. Ikalawa, according kay tatay good company daw ang accenture. At hindi lang naman sila call center per se. if ever makapasok ako don kahit sa call center nila, malalaman ko na kahit paano yung takbo ng company. If ever may hiring sa ibang project, magaapply ako. Ikatlo, bobo ako sa makati. Wala akong alam pa don. Ang kelangan lang muna I get used to the place. saka na ko maghahanap ng trabaho na saswak sa field of expertise ko, which I think is research.
Kelangan lunukin ang pride at i-tame ang ego for a while. Kelangan ko ng pera. Mag- aaral na kapatid ko sa college. Pero dapat ko pa din panatilihin ang mga prinsipyong nabuild at natutunan ko sa kolehiyo. Dapat di ako magpalamon sa sistema. Ang tanging bagay lang na lalamunin for the meantime ay ang pride nga.
pebi talking in gibberish again around 12:57 AM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>