hindi na ito ang mukha ng brickwall na aking kinagisnan. malayong malayo na ito sa dating pulang pulang pader na kung minsan ay may mga nakadikit na manila paper na may mga progresibong mga pagpuna at pagprotesta. wala na din ang mga estudyanteng kampanteng nakaupo dito, karamihan sa kanila ay inuubos ang stick ng yosing binili nila kay lolang nagtitinda sa labasan lang ng UP CAS.
siguro isang metapora ang pagbabagong ito ng brickwall. siguro yung alam kong upm dati, iba na rin sa ngayon. siguro marami na talaga ang nagbago maliban sa pader na ito, siguro hindi ko na masakyan ang mga pagbabago sa nakagawian kong mundo.. o baka siguro naman ay matanda na ako :) naniniwala kasi ako na habang tumatanda ang isang tao, nagiging makasarili sya. hindi nya nanaisin na magbago kahit na katiting ng kanyang kinagisnan. at hindi man niya pansin, siya ay unting unting nagiging makasarili at pinagdadamot na maranasan ng iba ang pagbabago sa kanyang kinagisnang mundo.
pebi talking in gibberish again around 6:01 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>