a very close friend of mine sent me this letter..thought of sharing it to anyone interested :)
dear pebi,
kamusta na?ok ka pa ba?kamusta naman ang nback-to-school escapades mo?kaya pa ba? :)
ikaw naman kasi eh.masokista ka talaga.pwede ka naman magtrabaho naman.ang dami mong
magagandang job offer na tinanggihan.anong rason?conflict sa schedule.hay..edi sana kumikita ka na ngayon ng bongga.humihinga, gumugulong, lumalangoy sa limpak limpak na salapi.siguro ngayonnakapagsimula ka ng mag-ipon para sa great european adventure mo.siguro ngayon may laptop,polaroid at digital camera ka na, at pati na rin bonggang shoes collection at wardrobe. at sigurongayon, marami ka ng nakalandiang mga lalake.pero anong ginawa mo!bumalik ka sa mundong nilisan mo noong 2007.
pero sa tingin ko wala ka naman pinagsisihan sa desisyon mong yan. kahit na this time, solo ka na sa pagbabalik eskwela mo.wala na yung mga taong tinuring mo na bahagi ng iyong comfort zone. akalain mo yun!nakasurvive ka sa iyong paglabas sa nakasanayan mong set up ng mundo mo!nasurvive mo ang buhay na walang mga friends na madalas mong kasama kung saan saan,
na parati mong katalastasan sa mga teorya at konseptong marxista at anti-establishment, na kasakasama mong gumawa ng mga kung anu acads stuff na pahirap mula sa mga prof.in other words, you've surpassed your unthinkable nightmare:being left alone in this jungle we call life. at dahil dyan nagtagumpay ka na :) congratulations! finally, you are no longer discerned as "one
of them", you are no longer part of the crowd.and although the idea is still pretty foreign for you (kahit halos isang taon ka ng mag-isa talaga), mukha namang nasasanay ka na.see!i told you!kaya mong mabuhay away sa kalinga at anino ng iba!para anu pa yang "i am invincible and i will soon rule this world" mantra mo kung parati kang napapalibutan ng mga taong naiimpluwensyahan ka naman.sure masaya naman ang naging kolehiyo mo at hindi maipagkakailang naging mabuti syo ang kapalaran sa pagkakaroon ng mabubuting mga tao sa paligid mo, pero sa buhay na ito ikaw lang at wala ng iba ang magpapatakbo ng buhay mo.kaya ngayon na binigyan ka ng pagkakataon ng buhay upang ayusin ang takbo nito, karirin mo na!hahaha!
alam kung sa simula lang naman mahirap yang pinasok mo..kasi, habang tumatagal, lalo ka pang pahihirapan ng graduate school. wahaahaha!!ika nga ni herbert, pwede naman daw maging mapera kahit hindi nagmamasters. bakit pa ba naman pinapahirapan ang aming mga sarili..wahahahaha!!naisip ko nga, para kang kumuha ng batong ipupukpok sa sarili mo.naku pebi, alam ko naman kung anong dahilan mo at ikaw yung tipo ng tao na hindi basta basta bumibigay, kahit na ilang beses mo pa sabihin na suko ka na :) bira lang ng bira!hehehe..
pero alam kong medyo nangangapa ka pa din kahit tapos na ang sem na 'to. alam kung naninibago ka pa din sa magnitude ng workload, sa mataas na expectations ng mga teacher, sa mga kaklaseng medyo matanda syo at hindi ka masakyan. pero ung huli,keribels lang yan!basta mabait sila syo, ayos na yan.tska hindi ka naman nag-aaral uli para makipagbarkada, diba? :) siguro kaya hindi ka lang makafocus sa mga pinapagawa ng prof kasi madami ka ring iniisip. syempre kelangan mo din kumita, nakakahiya na kina nanay at tatay.dapat ngayon si mon na lang ang pinapaaral nila, at ikaw saling kitkit ka pa.kaya siguro dapat maghanap ka na ng trabaho.haha!maswerte ka at nabigyan ka pa ng ganyang pagkakataon sa kabila ng miserableng
ekonomiya ng pilipinas.kaya dapat ay lubusin mo na yan.tska ang dami mo na ring sinakripisyo at dinaanang butas ng karayom para lang makapasok dyan.tandaan mo, hindi waste of time ang graduate school.mas waste of time kung nakatangga ka lang sa kawalan at nag-aantay ng prince charming mo na magsasalba sayo sa miserable mong eksistensya. may patutunguhan ang buhay mo.ang problema lang kasi syo ay masyado kang nagmamadali. gusto mo agad agad successful ka. hindi ganyan ang buhay.dadaan ka muna sa butas ng karayom at sa microwave oven ng mga bampira para maging ganap na taong bongga.just let life take its sluggish course :) sige ka, kung magmamadali ka na naman, baka may ma miss kang magagandang oportunidad..parang slow cooking lang ang buhay. ten million years ang aantayin bago matapos ang isang putahe. complicated din ang proseso.iiyak ka muna at duduguin na parang nakunan sa ika-labing walo mong anak bago matapos ang pagluluto.pero kapag luto na ang pagkain, tiyak dadalhin ka sa nirvana sa sobrang sarap..masarap lasapin ang tagumpay kapag hinubog ng panahon ang paghihirap.
kaya next sem, alam mo na ang gagawin mo :) sige lang ng sige! wag bibigay!
febbie :)
pebi talking in gibberish again around 4:09 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>