111
Friday, September 21, 2007

MARTIAL LAW: BALIK TANAW

hindi ko na siguro kailangang mabuhay pa noong 1972 para malaman ang kasuklamsuklam na estadong ating bansa ng mga panahong iyon. tama nang marinig ko ang mga salitang martial lawpara kilabutan at huwag ng pangarapin pang mabuhay sa panahong iyon ng ating kasaysayan. hindiko na kailangan pang mabuhay noong rehimen ni marcos para malaman na laganap ang tahasangpambabastos ng pamahalaan sa mga mamamayan na dapat sana ay kanyang pinaglilingkuran.sapat na ang nababasa ko sa mga aklat ng kasaysayan at sa mga pahayagan para malamanna higit pa sa isang langgam kung ituring ang mga mamamayan ng isang taong may hindi maipagkakailang talino ngunit nilamon mismo ng talinong ito at ng kanyang ambisyon namamuno na parang isang diyos.

hindi ko na din kinakailangan pang pangaraping sumama sa mga demonstrasyon noong martial law para malaman na ang pagpapahayag ng saloobin ay maaring magingmitsa ng aking buhay.dahil nang gawin ito ng ilang magsasaka sa mendiola,ang buhay nilaay binawi na tila ba masahol ba sila sa mga asong gala. hindi ko na kailangan pang sumamasa mga pagkilos at ipagsigawan ang aking poot at pag-aaklas laban sa rehimeng diktaturya para malamang maari akong makulong at itorture, mamatay, o mawala na lamang ng parang bula.hindi ko na kinakailanga pang makita ang pagbaril kay lean alejandro sa kanyang sariling sasakyan para malaman na ang tahasang paglaban sa mapang-aping gobyerno ay maari kong ikamatay.

hindi ko pinangarap na masilayan ang harapang pang-aalipusta ng mga nasa puder upang pagsilbihan lamangang kanilang mga sarili. tama na sa aking malaman na ang ilang mga matataas na pinuno ng militar na dapat sana ay nangangalaga sa kapakanan at seguridad ng mga pilipinoang sya pa mismong maglalagay sa kanila sa bingit ng alanganin. mga mamamhaling relo lamang palaang katumbas ng ating bayan. marapat lang sigurong tawaginsilang traydor.

sapat na na aking makita sa mga dokumentaryo o makita sa ilang mga libro angmarangyang buhay ng pamilyang marcos habang ang pamumuhay ng karamihan ay sing sahol ng buhay ng mga baboy sa kural. ang mga kasayahansa palasyo noon at ang mga pagdalaw sa ibang bansa ng mga marcos ay isa lamang palabasupang matakpan ng kinang ng kanilang mga kasuotan ang madilim na buhay na dinaranas ng mga taong kanila dapat pinagsisilbihan.

hindi ako nabuhay noong 1972 para masaksihan ang pilipinas sa kalunoslunos na kalagayan.bagkos ako ay nabubuhay sa kasalukuyan. isang kasalukuyang dapat sana ay napalaya na mula sa pagkakagapos ng mapang-aping rehimen. isang kasalukuyang dapat sana ay hindina nababalot ng takot. isang kasalukuyang dapat sana ay mapayapa. dapat sana.

bakit hindi ko na kinakailangan pang mabuhay noong martial law? dahil ang nakaraan ay hindinaiiba sa kasalukuyan. patuloy pa rin ang pang-babastos ng mga nasa puder sa electorate,patuloy pa din ang walang pakundangang pagwawaldas ng pera ng bayan, marami pa din ang nawawala at di na nakikita dahil lamang sila ay nagpahayag ng pagkadismayasa mga nasa puder. ang batas militar ay pumanaw na nga kasama ni marcos,ang pisikal na presensya lamang ni marcos ang nawala.patuloy pa rin ang batas militar. ang kinaibahanlamang natin sa ngayon ay nakakaboto na tayo. ngunit ang natatanging sandata natin laban sa mga kahaman sa kapangyarihan ay inaalis pa sa atin. patuloypa rin ang pangbabastos sa demokrasya; masahol pa sa martial law.

hindi ko na kinakailangan pang mabuhay pa noong 1972 para madanas ang pasakit ng martial law. dahil ang kalbaryo ng 1972 ay hindi pa natatapos hanggang sa ngayon.




pebi talking in gibberish again around
9:34 AM

0 comments













<$BlogItemCommentCount$> Comments:

<$BlogCommentBody$>

By <$BlogCommentAuthor$>, at <$BlogCommentDeleteIcon$>


"..we felt the imprisonment of being a girl, the way it made your mind active and dreamy and how you end up knowing what colors went together. We knew the girls were really women in disguise, that they understood love, and even death, and that our job was merely to create the noise that seemed to fascinate them."

-The Virgin Suicides(1999)


...Abstract Expression...

expressing in abstract is my cup of tea.which explains my fascination to the cryptic and the obsure.

...the Abstract Expressionist...

febbie anne.popularly know as pebi,febbie,febz and piboy among others.frequently inebriated by sofia coppola films, bjork and coldplay songs, and haruki murakami novels.a political science misfit. an artist bereft of opportunity.an off-key chanteuse.a cinephile and bibliophile.neophyte in wordplay. in dire need of a loyal sycophant.

prepare to decipher the enigma......






Youniverse Personality TestYouniverse Personality Test









...Express Yourself...











   







...Other Expressionists...

POLSAYBLAKPAYB (PolSci Blk5 '03)

miguel adrid
justin agraviador
michael ditchella
janine fernandez
mhare junasa
jerick medrano
olga guela
ian perez
nea reyes
joyce ann rojo
jayson yang
christopher aquino
lad madrigal
joanne lara
mimi
cmaquest
peace
normandb
philippine travel

sir carl ramota
sir john ponsaran
robert go
rep. joel virador

jessica zafra
kooky tuazon

world's oldest blogger
kiko machine komix
movie records
lilok pelikula
bittergrace
digital buryong
blog ni inday
eric chan
blogger
gmunchkin
traveldestinations
1minutefilmreview
wordsonthetipofmytongue
film asia
brandsite


Locations of visitors to this page