We are the Breakfast Club, only that there are six of us and we haven't got a day long of detention. There is no Jock, no Criminal, no Prom Queen, and no Basket Case (I’m not including the “brain” since I reckon we are all classified as such).
We are the Obsessive Compulsive, the Cocky Whiner, the Queer, the Loudspeaker, the Saint and the Perplexed. We have nothing in common, except each other, some preposterous antics and ideas, and Oble.
I love you guys!!!
pebi talking in gibberish again around 12:13 AM
Thursday, March 29, 2007
Reality check para sa akin, di ko hawak ang oras. Independent ang oras, kayang mabuhay sa sariling paa. Mas daig ako. Fluid, parang lovelife ko lang, madaling kumawala sa mga kamay natin ng di namamalayan. Nasabi ko nga dati, sana mayroon na lang 28 hours sa loob ng isang araw, at 10 araw sa loob ng isang linggo. Dahil di magkakasya sa 24 hours at 7 days ang lahat ng bagay na gusto kong gawin.
Sa buhay di uso yung mga pindutan gaya rewind, resume, pause at forward na mayroon sa dvd player. Play lang ng play. Isang direksyon lang ang tingin, wala ng lingon lingon. Tuloy tuloy lang ang takbo. Excite ang oras, unstoppable. e ako kaya?
Ang dami ko pa sanang gustong gawin, pero yung oras at pagkakataon ko kanina, kahapon, noong isang araw, noong isang taon, ay ibang iba na sa bukas. Madaya ang panahon at oras, dahil walang forward thus chances are none of us will be able to take a peek on what’s going to happen next. Scary sa ilan ang idea, fun naman sa iba. pero ako, nonchalant. Hindi dahil sa wala akong pakialam o hindi pa ako handa o natatakot ako. I just have no choice. This world will continue to take its usual course whether I like it or not so might as well be apathetic. Wala naman talagang pakialam sa atin ang panahon, maging ang mundong ito, dahil sila ay mga Diyos. Akala natin hawak natin sila sa mga kamay natin, pero ang totoo it’s the other way around. Nasasakal ba ako?hindi ko alam. Pero sana hindi pa ako masiraan ng ulo.*wink*
**
isang pamilyar na kanta ang natugtog sa radyo ng bus, pero di ko alam ang title. Basta ang alam ko, sinasabayan ko sya sa isip ko. Sumasabay din ang ibang pasahero sa pagkanta. I wonder bakit hindi ako nabuburyo sa kanila?
May TV sa mga bantang kisame sa banding unahan ng bus. Walang palabas. Pero reflected don kaming mga pasahero, pati na ang mga bagay sa labas ng bintana. For a minute I was staring at scene, my mind is blank. The familiar song had somehow faded and begun to become part of the unnoticed background. It was just me and the TV. I no never feel the movement of the bus, but I know we’re still on the road. We’re moving forward. It may sound absurd but I felt momentary bliss. Bakit may luha? Saan kyo galing? Ipinikit ko ang aking mga mata. Di ko namalayaang nakatulog ako. Pagmulat ko, in my life na ng the beatles ang tugtog. Alam ko na kung saan galing ang luha. Hindi mula sa momentary bliss na aking nadama, kundi mula realisasyon ng dahilan kung paano ko naisip na kalimutan siya. Mas gusto ko ng ganito lang. akala ko kasi wala ng magbabago. Pero mali ako. Naguguluhan lang ako lalo. Sana hindi na lang naisipan ng isang bahagi ng utak ko na halukayin ang pamamaraan ko sa pagtanggap sa kung ano lang ang dapat at tama.
Sana matagal pa ang oras natin. Sana I was able to undo thoroughly this feeling first pero pinutol na ang oras. Akala ko okay na ako, hindi pa pala.
pebi talking in gibberish again around 9:10 PM
Wednesday, March 28, 2007
pebi talking in gibberish again around 2:03 AM
Tuesday, March 27, 2007
obserbasyon ni ian, asan na si pichay? Bakit nawala na sya sa political limelight at din a masyadong kumakalat ang mukha nya sa tv? Baka naubos na ang 120 hours airtime nya. Sagot ko: baka di aware si pichay na may limitasyon ang airtime nya kaya nangarir ang lolo mo sa simula na eleksyon. Kumento ko: di magandang strategy yun. Crucial ang ilang linggong nalalabi bago ang eleksyon. Sana inallocate ng maayos ng kampo ni pichay ang airtime nila. Saying mapera pa naman sya at naaafford nya ang paggawa ng political ad.
- anu uli ang point ng “I am sorry” ad ni tessie aquino-oreta na pinirata nya lang sa best actress na si GMA? A, ung pagiging dancing queen sya. Eh bakit ngayon lang? matagal nay un diba? Sana dati pa nya ginawa para mas paniwalaan naming sincere yun.
- in fairness, benta sa akin ang bagong ad ni villar. Yung iniinterview ni boy abunda ang nanay nya (minus the mahiwagang salamin). Ewan ko ba pero ang cute ng nanay ni villar. Yun nga siguro ang idea nung ad. Ipakita na maganda ang pagpapalaki ng nanay ni villar sa kanya (na dahilan ng kung sinu sya ngayon) at di nya kinakalimutan ang nanay nya. Benta sa mga pinoy ang ganoong pakulo.
- si mike defensor na ata ang may pinakamaraming ginamit na artista sa political ad nya. Old school pa din pala si ‘tol sa tema ng pangangampanya. Given na naman na gumamit ang nga senior politicians ng mga artista sa ads nila, pero kasi bata pa si defesor. I’m expecting something fresh, something that doesn’t treat the electorate as mere spectators of some fiesta concert. And please explain to me in a 2-page essay the point of his slogan: “walking ‘tol”, “standing ‘tol”, at kung anu anu pang verbs na dinugtungan ng “’tol”.
- panalo yung ad ni chavit! Nag-i-english ba naman ang lolo mo. Panalo talaga! As far as I know they have to reach as many people as possible para iboto sila. E tila yata ni lalayo ni chavit sarili nya sa mga katulad kong bobo sa English. Pano yan kung di ko sya naintindihan? Edi hindi ko sya iboboto? Masaklap naman ata yun para sa kanya. Keri yung mga ate at kuya na nananagalog at nagsasalita ng sarili nilang lengguwahe (oo lenggwahe hindi dialekto. Magkaiba yung dalawa, yung yung tinatawag nating ‘dialect’, language talaga yun), pero si chavit ang gusto kong gumagawa non. Hindi naman sila ate at kuya yung iboboto ko diba? Don pa lang, may imahe na agad ng pagiging elitista si chavit. We’ll gonna have this prejudice na hindi sya madaling lapitan dahil sya mismo di nya kaya iarticulate ang sarili nya sa lengguwahe ng constituents nya. At sa kaso nya if ever, ang buong pilipinas.
- dagdag kay chavit, andaming motor sa headquarters nya sa imus. Parang akala mo tindahan lang nga harley.
- alam ko na pala kung san nagkakalat ng lagim ngayon si pichay: dito mismo sa dasma!nagulantang ako nung makit akong may headquarters pala sya dito. Nagkalat na ngayon ang mukha nya sa mga tricycle, pader at kung saan saan pala. Kelangan kong bawiin ang una kong sinabi. Mahusay ang campaign strategy ni pichay. Pagkatapos nyang magpakilala on national television sa buong pilipinas sa pamamagitan ng political ads nya, he gone small scale na sa pagpunta sa mga liblib na lugar gaya ng dasmarinas. wais din pala ang gulay.
pebi talking in gibberish again around 12:42 AM
Monday, March 26, 2007
Right now I’m listening to the sublime Bjork’s version of Gloomy Sunday but I’m not yet suicidal. Bakit ba kasi favorite background music to ng mga suicidal? Bjork’s way of singing style, as always, is more chilling than the song itself. Or maybe I am more hypnotized by Bjork’s voice that the reason I’m not giving enough focus to the lyrics of the song itself.
Ayan pinapakinggan ko naman ang naman ang version ni Billie Holiday ng kanta. Panalo din ang boses nya. Hers is more like relaxing, bereft of any vocal complications. Nice yung intro. But this time I’m able to give more focus to the lyrics. As to how I’ve understand it, the song is about a girl (pwede ding guy) who wanted to join her (his) paramour in the after life. Just a piece of advice, never ever think of playing this song if you’ve just lost a love one or if you’re broken hearted because a rather depressing piece of music. Perfect ang recipe ng kanta: depressing instrumental arrangement(or whatever you call it), sad lyrics, lethargic manner of singing (or something like it. I just don’t know how to put it), soothing voice. A perfect recipe for a perfect death song. Hahahaha! I kinda like it. Attractive sya to me dahil sa nakaattach na “mystery” ng kanta (dulot ng kasaysayan nya) at maganda ang versions ng dalawang singers ang napakinggan ko.
Hay naku! Before I ever thought of taking away my own life, had immediately played regina spektor’s fidelity. Mahirap na. *wink*
pebi talking in gibberish again around 12:32 AM
Saturday, March 24, 2007
- pagkagising, formatted na ang pc (sa wakas)..sa kasamaang palad, wala na ang files ng kolehiya..puta parang metaphor lang..ibig ba sabihin nito marereformat na buhay ko at mawawala na files ng nakaraan sa april24?i doubted it...i'll never let it happen..
- kanta ko para sa iyo at sa syota mo.. kahit anong tono, pwede..
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang gusto mo pala mukhang katulong,
katulong na galing pa sa sweatshop ng China.
mukang di kumain ng sampung taon,
di mo mawari kung retarded o Hapon.
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka pala ng taste mo.
no wonder ayaw mo sa beauty ko.
hilig mo pala clone ni sadako,
mahaba, straight at sobrang laaaaaaaaaaame ng buhok.
pasensya ka di ganon ang buhok ko,
pano kasi ang mga josa, josa din ang buhok.
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
sana naman naghanap ka ng kalevel mo.
di ko akalaing ang panget ng taste mo.
ang konswelo mo na lang,
sana matalino sya at di gaya ni maria clara.
pero i doubt ganoon sya,
kasi ang gusto nyo talagang mga lalaki eh ung mukhang tanga.
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
di masama ang ugali ko.
magsasabi lang ako ng opinyon ko.
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
ang chaka, chaka, chaka, chaka ng gerlprend mo!!!
(naku basta kanta yan..pramis)
- natatamad na ko mag-aral..pero kailangan..di pa tapos ang laban.
- asan na si joyce?
- back to square one ang buhay pc ko..ayos lang..
- sayang at aalis na si chicky. kahit ganon yon na forever looking haggard, mahusay..kawawa naman ang mga lower batch na di makakatikim ng polsci ala chicky..
pebi talking in gibberish again around 11:27 PM
Friday, March 23, 2007
mukha akong mabait dito..pramis..kahit tabingi ang mata ko..wahaha!!
pebi talking in gibberish again around 12:14 AM
Monday, March 19, 2007
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
- Kahit ano pang pangwawalang hiyang gawin ng gobyerno sa Bayan Muna, nangunguna pa di sa survey ng Pulse Asia ang nasabing partylist group. Siguro takot ang pamahalaan na bumalik sa kongreso ang BM dahil di mawawala ang tinik sa lalamunan nila. Ay tang ina!!!i’ve never been this angry since ma’am tayag told me i’m pasaway and dropped me from her roster of thesis advisee.
- I’ve met Ka Satur for quite few times on different occasions. Minsan up close, minsan sa malayuan, pero kadalasan sa TV.he has this commanding yet subtle aura.medyo nakakahiya sa kausap dahil parang sobrang talino nya at di ka pwedeng magkamali pag kausap mo sya.pero hindi pala sya ganon.oo seryoso sya, pero napaka-complacent ng pagkatao nya.kung tatanungin ako kung sino ang gusto kong maging lolo, si Ka Satur ang pipiliin ko. kaya di ako makapaniwala kung paano sya nilapastangan ng mga pulis nung tinangka syang ilipat sa leyte.ay puta!!!!bakit kung kaladkarin si Ka Satur akala mo ay guilty na sya agad sa inaakusa sa kanya.it’s so unfair!!!!!mapa si Ka Satur man o isang ordinaryong tindero sa Baclaran, walang karapatan ang pulisya na umarte na akala mo sila na ang Dyos at utang mo sa kanila ang buhay mo.
- Hindi ako nagagalit dahil gusto ko si Ka Satur at bahagi ako ng Bayan Muna Youth sa UP Manila. Nagagalit ako sa kawalan ng paggalang ng pamahalaan sa karapatan ng mga tao, sa walang habas nitong pagpatay sa mga kumakalaban sa kanila, sa pagmamanipula ng pamahalaan sa katotohanan, at sa unti unti ng pagkalusaw ng ating mga karapatan at kalayaan.
- Ang ibinintang naman kay Ka Satur, pagpaplano ng isang massacre. Ang aking lang naman, bakit sa tinagal tagal ng panahon, ngayon lang inakusahan si Ka Satur ng ganito? Sana dati pa noong unang pumasok ang BAyan Muna sa Kung di ako nagkakamali si Ka Teddy din ay inakusahan din nito, sa parehong pagkakataon. Pero bata pa si Ka Teddy noon, asa kindergarten pa lang sya. Noong mga panahon din na gumanap umano ang pagpatay, si Ka Satur ay nasa kulungan. Martial law kasi noon. Baka nga magkaselda pa sila ni Sir Doti at Sir Bobby.Kung susuriin may inconsistency na agad sa bintang nila. Halatang gawa gawa na agad ang kaso nila. Ha!sana hindi masyadong tanga ang nag-orchestrate ng kasong iyon!kung sabagay, wala siguro sila sa gobyerno ngayon kung magaling sila pagtahi ng detalye at kwento kundi asa Hollywood. Nyeta!!!
- naalala ko ang Iron Jawed Angels nung kinaladkad si Ka Satur ng mga pulis. Ang ikinaso sa mga raliyista sa Iron Jawed ay obstruction of traffic. Ginawan lang sila ng kaso para makulong, pero hindi sila natinag. Si Ka Satur, sampu ng ilan pang bahagi ng kaliwa ay sinusubukan ng patahimikin ng pamahalaan sa pamamagita ng sampa sa kanila ng kaso. Magkaibang panahon, magkaibang bansa, magkaibang adhika, isang method of pacification. Tingnan ang pagkakahalintulad. Pansinin natin at wag magpalinlang.
- tungkol sa pagpatay sa mga militante, kung isa o dalawa lamang sa kanila ang namatay matatanggap ko ng isolated case iyon at walang halong pulitika. Pero libo na ang namamatay, lahat s halos magkakatulad ang pamamaraan. Isolated case pa ba yon? Hindi ako naniniwala.tanga lang ang maniniwala. tiyak na may malawakan at sistematikong pamamaraan ng pagpapatahimik sa mga kumukundina sa kabulastugan ng pamahalaan.
- kung walang ginagawa ang gobyerno na kalokohan, bakit sila natatakot kina Ka Satur at sa iba pang militante na kung tawagin ay “panggulo” ng mga burgis na walang alam kundi mag- party gabi gabi. Puta sila!!! Ang sa akin lang naman, walang dapat ikatakot ang nasa tama.
- may napanood ako sa RPN 9 kaninang umaga. Parang debate thingy. Ang topic “Hadlang ba ang mga militant leftist sa pagkakaroon ng maayos na eleksyon?” ay putang ina!!gusto kong batuhin ang TV kanina. Napakadefamatory agad nung statement. As if militant lang ang nagdudulot ng kaguluhan sa eleksyon! To begin with, derogatory agad ang kakabit na kahulugan ng katagang “militant left” sa statement na iyon. Sana alamin muna ang tunay na kahulugan at tamang gamit ng salita. Tungkol naman sa kaguluhan ng eleksyon, sino ba ang magulo?diba ang adminstrasyon at oposisyon mismo? Pansinin sa telebisyon at ang mga nagbabangayan at ang nagpapagulo ng eleksyon scene ay yung dalawang grupo mismo. Parati kaya silang nag-aaway at nagpaparinigan na parang mga chismosang high school galing sa lower lower section.Manipestasyon kung gaano ka immature ang pulitika sa bansa.Kung “militant left” na ang tawag sa administrasyon at oposisyon baka di ko naisipang tangkaing batuhin ang TV.
- hindi ako tibak, pero aware ako sa mga nagaganap sa bansa. patuloy pang sikilin ng pamahalaan ang ilang matatapang na kinukondina ang gawi nilang baluktot at tiyak na sasama ako sa pagkilos.
- stop vilifying terms such as militants, left, leftist and activism among others. Kung sisimulan ko ang paglecture dito kung bakit, kukulangin ang isang window. sa mga patuloy pa ding nagpapakain sa prevailing norm, wag magpakahon. Explore. Alamin ang tunay kahulugan ng isang bagay taliwas sa popular na paniniwalang dinidikdik sa atin ng lipunang ginagalawan natin. Hindi masama ang mga nabanggit kong salita at ilan pang bagay na related sa kanila. Nagiging masama lamang sila dahil sinasabi ng nasa puder na masama sila.
- gusto ko lang sabihin na sukang suka na ko sa gobyerno. Pero dahil bahagi ako ng pamahalaan, wala pa din kong pagod na makikisangkot sa kahit na anong pamamaraang kaya ko. Hindi nyo ko mapipigilan. Hindi nyo kami mapipigilan. Mensahe ko sa mga pulitiko at sa nasa puder:UMAYOS KAYO DAHIL KUNG DI DAHIL SA AMIN WALA KAYO DYAN. ALIPIN LANG NAMIN KAYO AT KAMI ANG TUNAY NA AMO. HUWAG NA HUWAG NA HUWAG NYONG UUBUSIN ANG PASENYA NAMIN.
pebi talking in gibberish again around 11:26 PM
Saturday, March 17, 2007
- me over lunch, whinning about the media fiasco over all sorts of boxing match.
pebi talking in gibberish again around 11:16 PM
Thursday, March 15, 2007
linnus (humphey bogart), sabrina (audrey hepburn), and david (william holden) killer waistline i wonder, is she wearing a bra underneath her black (im not quite sure.its monochromatic remember?) overalls in one of the scenes? her boobs are so tiny and they looked like mine with the brassiere off. hahaha!! but i’m still very much envious of the waist. gah!!!!
pebi talking in gibberish again around 11:34 PM
Wednesday, March 14, 2007
Sir Ponsi (john ponsaran)
- i've been seeing him in the hallways of RH and GAB, and in some lectures and fora, but i never seen him up-close until nea and i attended the voter's ed (voter's education) of BM in his class last january i think..he's sooooo attractive in a nerdy sort of way that only people sharing this same idea with me understands..intellegence screams behind those specs and. hahaha!!!!the sound of his voice is so enticing you only want to listen to him for hours..hehe!!
Atty Azella "Chicky" Arumpac
- miguel is going straight and i am going lesbo whenever she speaks...she can become an ancient roman in the flea market always taking an arguementative stance and ready for an endless debate, a lawyer (as she is) discussing the relevance of the piatco case and the Hague convention to our existence, a curious observer wondering about the importance of yap couple's, james and kris, reconciliation, and a typical humorous ate unintentionally showing her tanlines to her awed siblings, all at the same time. if there's someone from the DSS i would want to pattern my personality and life to, its gonna be her.*wink*
Sir Jerome Ong
- met him first in my History 2 classs and since then i never realized a college professor can be so young and attractive, not to mention impressive..hahaha!!!only a few understands this (right neah *wink*) but some thinks he's cocky (right boys, hehehe *wink*). nevertheless he still remains as one of the very sought- after history prof in DSS (at least to those who shared my sentiments, right girls..hehehe)... for me, he has the makings of a great professor, no doubt about it..neah and i still had a little crush on him when we were third year, so we enrolled to his PI 100 class..hahaha!!!however for a momentary period the admiration had somehow faded, but for some odd reason it had once again reawaken, my so-called post high-school crush to him..hahaha!!!must be the graduation feel..well in any case, he made me kilig again, like i am a clueless first year again, when i submitted my already book-binded thesis in the department..shit, is this some kind of a cinematic metaphor?!hmm..a good screenplay for a graduation movie by wong kar wai..hahaha!!!
Sir Carl Ramota
- we fondly call him "Carl" and i like him minus the kilig. he's the kuya i never have and he is sooooooo matalino.
Ramon Bautista a.k.a Rigor Mortis
- you may be wondering since he's a mass com professor in UPD and there's no way i could have him as my professor (FYI: i wasn't enrolled to any of posaran's class as well)..i was just awed by all of his antics that joyce told me..and he's surprisingly attactive in person, in a peculiar way..i wonder, how does it feel to have the star of radioactive sago's video "astro cigarettes" as a professor..joyce said it was fun, both in a cerebral and in a just-plain-fun way, and i believed her.
enough of the professors....
Karl Castro (Philippine Collegian Editor in Chief)
-i just like him ok...needless to say more...peace joyce!!!
SA (student assisstant) sa Graduate Studies
- i forgot his name...all i remember is that nea said she have crush on him (they were classmates in her NatSci 4 class i reckon) and i told her he looked like a thug...almost 2 years later, neah is telling me "i told you so", and that's it.
Ralph
- all i know is his first name and his course, apart from being a bonafide brod of mhare. he looks like champ of hale..he's plan cute, even cuter when munching hilaw na mangga na may bagoong.
Nicanor Roberto
- that was a long time ago...marbie first liked him (they were like groupmates or something in their CWTS)...it lasted like 1-3 months i guess.. i was restrained to nurture the feelings for some reasons, akin na lang yun...*sinister wink* hahahaha!!!
**
there are other crushes, but their cases are more complicated than than those mentioned above...yet i still have to deal with them before or right after graduation...off of puerto galera!!!
pebi talking in gibberish again around 6:47 PM
Sunday, March 11, 2007
makalipas din 5 taong tumungo sa pilipinas si hunky papa gael, naisipan nitong bumalik muli sa kanyang bayang sinilangan, ang mexico. ito ay upang muling balikan ang babaeng patuloy pa ring tinitubok ng kanyang puso, si amelie poulain, isang french refuge sa guadalajara, mexico (kung paano sya naging refuge, hindi ko din alam). ngunit pagdating sa guadalajara, nalaman na lamang nya na ang kanyang pinakamamahal ay nagpakasal na pala sa isang half- mexican, half- italian mobster na si roman polanski. gumuho ang pag- asa ni hunky papa gael na muling ibigin si amelie. nalaman rin nito na ang may pakana pala sa pagpapapatay sa kanya ay si polanski mismo. nang malaman ng mobster na si polanski na nasa mexico muli si hunky papa gael, inutusan niya ang kanyang dakilang assassins (na minsan ay manikurista) na sila david "the elephant man" lynch at si christopher "memento" nolan. habang tinatawagan ang mga anak sa isang phonebooth two blocks away from the airport,nagtagumpay ang dalawang tukmol na assassins-slash-manikurista na paslangin si hunky papa gael.
bago pa man lumipad patungong mexico si gael, sumulat sya ng isang testamentary will na tila baga alam na nito na nalalapit na ang kamatayan. sa will, iniiwan nya lahat ng kanyang assets na naiwan sa mexico sa papahala ni diego luna, kasama sa gang ni hunky papa gael (isa ding godfather si gael) at kanyang roadtrip buddy nung teenager pa lang sila (hmmm). ang nalalabing kayaman niya sa pilipinas ay kanyang iniwan sa kanyang mga anak...
PEBI:(PARANG ASA THAT'S MY BOY LANG)AKALA NYO ISA NA NAMANG KORNING MAFIA MOVIE..MALI KAYO!!!ITO ANG SAGOT KO SA EXAM KAY CHICKY SA PRIVATE INTERNATIONAL LAW...HAHAHA!!!HINDI YAN TAPOS..TINATAMAD NA KO EH..BASTA ANG ENDING NYAN, SI DIEGO LUNA AT UNG MGA ANAK NI HUNKY PAPA GAEL AY NAGDEMANDAHAN...
pebi talking in gibberish again around 10:02 PM
Tuesday, March 06, 2007
Labels: *mula sa ROME and JULIET
-eksena sa DSS, around 3:15 ng hapon..
Sir Bobby: naku ang daming mali sa grammar mo.kailangan mo tong ayusin.
Pebi:(shet!!!) nakakahiya naman..
Sir Bobby:nakakahiya talaga...gaya nito, blah blah blah blah....
Pebi:sige po, sige po..blah blah blah blah...
Sir Bobby: Tyagain mo talaga to, blah blah blah blah...kaya wag muna manonood ng sine at gigimik, blah blah blah blah..
Pebi:haha, katatapos ko lang po nanood, ngayon ngayon lang..
Sir Bobby:(ngisi)
- hay mahal ko talaga si Sir Bobby..sasabihin nya sayo ang mga mali mo indifferently, pero di nya ipopoint out yun..you figure it yourself..then after some awkward silence and silent cursing (the latter is solely mine), he'll say a quientissential fatherly comment or crack an extremely odd joke...i love sir bobby!!!! i thank God Ma'am Tayag dropped me in her roster of advisees for that..*wink*
- nanood kami ni mhare ng "Rome and Juliet" at bago kami pumasok ng sinehan, narealized namin na baka pagkamalan kaming lesbian couple..wahahahaha!!!instead, napagkamalan kaming minor..sosyal!!!
- di ko nagustuhan yung movie..syang yung effort ng kwento, unique sana.. medyo bitin yung ibang eksena..yung tipong nagsisimula pa lang ang audience na i-savor at ma-comprehend ang moment ay pinutol na agad yun..and when i say pinutol hindi lang basta editing, may kulang talagang piece..tapos ang likot na camera, ang when i say likot i mean panay ang zoom in at zoom out...wala naman sanang problema pero pang ang amateuer lang ng dating...pero baka technique ni macatuno (direktor) yun...gayon pa man, di ko yun nagustuhan...pero magaling ang pag- arte ni mylene dizon..nakumbinsi nya ko na straight girl sya who happens to fall in love with another straight girl, at di lang basta libog ang nararamdaman nya...
- balik sa thesis, kelangan pala ay at least 3 copies ng thesiss ang ipapasa sa DSS..weird..kelangan talagang iproofread ulit..
pebi talking in gibberish again around 12:56 AM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>