PUBLIC SERVICE LANG ipinakiusap lang ito ng isang kaibigan..ipost ko daw dito baka sakaling mabasa ng dapat makabasa.. isa kang matamis na kabiguan nagpaalam, lumisan, ngunit ako'y nakakapit pa rin
Mula kay A, Para kay R
(pasintabi sa kung sinuman)
maigi na siguro para walang iyakan.
nawala, lumayo, ni hindi lumingin
paalam sa ngayon.
ayaw pagtagpuin ng panahon
buti at naisipan nating tumigil pansamantala,
sana wala na lang munang umabala
sa muling pagkikita, don lang naalala.
hinihila na ako ng buwan pabalik sa aking ulirat,
pero ayoko pa bumitiw.
sana nagtagal pa,
sana nawala na,
sana hindi nagtagpo,
sana walang naalala.
isa kang tulang pinapangatap
pagmamay-ari ka ng mundo
pagmamay-ari mo ang mundo
nag-iwan ng ngunit at kaguluhan
paalam sa ngayon, ayoko pa lumimot.
gusto ka pa din alagaan, sana alam mo yun.
pebi talking in gibberish again around 6:32 AM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>