matapos ang mahiwagang buhay ni salvador cerinsa, ang patanga tanga nagunit machong machong probinsyano na sinapian ng kaluluwa ng yumaong si senor pedro jose donozo sa palabas ng el cuerpo del deseo, muli ay matutunghayan nating muli si mario cimarro sa panibagong telenobelang pinamagatang la traicion! mukhang ang mainit na hapon ng mga nanay ay magpapatuloy pa din. yay! hahaha!!
ibang klase talaga tong palabas pang-hapon ng abs. no wonder tila isang thing of the past na lamang ang siesta sa panahon ngayon. sino ba namang hindi magigising sa mga eksena ng savage love scene sa gitna ng kagubatan sa hating gabi, at may kasa pang pagulong gulong hanggang mapuno na ang kanilang hubad na katawan ng putik at tuyong dahon! kung hindi ka pa man din magising sa mga tagpong yan. wahahahahaha!! at wala ng iba pang makaka-capture ng perpektong leading man ng mga latin america telenovela kundi ang machong si mario cimarro. yay!!
talaga nga namang huling huli ng mga telenovelang ito ang kiliti ng mga ina, ate, yaya, lola at ng mga bum na tulad ko. aysus! hahaha!!
pebi talking in gibberish again around 3:05 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>