american university of the philippines pala ang orihinal na pangalan ng UP.wala lang.ngayon ko lang kasi nalaman..ironic ba?nakakatuwang makita na magtanggal lang ang isang salita, nagbabago na ang kahulugan ng isang kataga. wala ng bahid ng "america" ang UP ngayon. nakakatuwang isipin na ang paaralang tinaguring pugad ng mga makabayang intelektwal sa mga nagdaang panahon at sa kasalukuyan ay pinangalan minsan sa isang bansang nanikil sa kalayaan ng ating bansa. napaisip ako bigla, dapat ba natin pasalamatan ang amerika sa pagbibigay sa atin ng UP? marahil.kung hindi dahil kay uncle sam, wala ang aking tahanan. pero ang kabuuan ng UP sa pagdaan ng panahon ay hindi nito utang sa amerika, kundi sa malayang pag-iisip ng mga taong minsang nanahan dito na nangahas lumaya sa pagkakahon.
pebi talking in gibberish again around 9:50 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>