Saturday, October 20, 2007
SA AKING PAGBABALIK
ako'y nagbalik. bukas kamay akong tinanggap ni oble. aking binalikan ang ilang bahagi ng makulay kong buhay kolehiyo. sarado ang USC, doon daw kukunin ang yearbook. nyemas! nagikot na lang ako at naghanap ng mga kakilala, kung mayroon pang naiiwan.
sabi ko dati dito ako sa lobby ng rizal hall magde-debut. at sa hagdaan don ako bababa suot ang grandiyoso kong gown. yun ang ilusyon ko tuwing bumababa sa hagdan na ito. kumakaway pa ako habang bumababa, ala sandara.
at kung maisipan kong magpakamatay, dahil sabrang korni ng idea na mag-debut, dito din ako sa RH stairs magpapatiwakal. yan ang top view ng RH stairs mula sa third floor. itatali ko lang ang pisi si poste at viola, pwede na kong mamatay.hekhek.
bago ang klase kay carl (Diplomatic ang Consular Practice), dito muna kami. nagbibilang ng cute na dadaan. nakikipagkwentuhan sa mga classmate. nginangarag ang assignment kay carl, o kaya ang proposal sa thesis. kumakaway sa prof na dumadaan.
(d)epartment of social sciences bulletin board. tiningnan ko, baka sakalaing may nakapost na assignment si carl o kaya si sir bobby. ay wala na pala. kung meayroon man, imposibleng para sa amin.
nanamiss ang mga progresibong poster na tulad ng mga ito na malayang naikakabit sa mga bulletin board ng UP. hindi ko napigilang basahin ang bawat isa sa kanila. namalayan ko na lang, nakangiti na pala ako habang tinititigan ang quintessential caricature ni GMA. nakakapanibago din ang freedom wall. dahil ba sa newly installed drinking fountain o dahil pristine na ang pader na dati ay tadtad ng opinyon ng mga mag-aaaral?
at ang finale, ang aking mga paboritong tambayan: ang library at ang mga bench sa hallway sa may behsci.mag a-alas 6 na ng pumunta ko kaya wal ng tao sa lib. wala ng ring mga naiwang gamit sa counter. clear na din ang hallway.sa ganitong panahon ko gustong tumambay dito. i am tempted to sit for a couple of minutes, pero naalala ko wala na pala akong klaseng hihintayin.
lumabas ako ng gate, mabigat ang bag ko as usual. pucha tatlong readings kay sir bobby, isang 20-page double- spaced essay ang pinapagawa ni sir doti, isama mo pa ang journal ni carl,may cases pa na dapat basahin kay chicky! hay kailangan ng umuwi para matapos na sila. ay oo nga pala, wala na ngang ganoon mga gawain para sa akin. tapos na ang sentensya ko at ako ay nakalabas na pala. bumalik ako sa lugar pero hindi sa nakaraan, ika nga ni bob ong.
c'est tres nostalgique...
pebi talking in gibberish again around 7:25 PM
0 comments
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>