hindi ko alam kung saan magsisimula...
i am pissed. really, really, really pissed. i should be studying today dahil ang Series 63 exam ko ay this week na. pero anu ginawa ko? i went to Rob Manila para makipagkita sa mga tao.. ilan ang dumating? tatlo.. ilan ang inimbitahan? marami. pagod ako, pati na rin ang mga kasama ko. bente kwatro oras akong gising nung sabado dahil may mga kailangang gawin. my head is pounding dahil sa kakulangan sa tulog. tinatamad sana ako tumungo dahil nga kailangan ko mag-aral, doon kasi nakasalalay ang paglago ng aking karera sa kumpanya. pero tumuloy ako. bakit? baka kasi dumating sila at ako lang ang wala. nakakahiya naman. pero nagkamali ako.sana man lang may kahihiyan na magsabi ang mga nilalang na hindi sila makakatungo mga 3 oras bago man lang ang tinakdang kitaan. para diba hindi na ako nag-abalang nagpunta at napagsabihan yung ibang wala ding tuloy na wag na pumunta.
oo, masama talaga ang loob ko.masamang masama. una sa lahat, napagastos ako. sana ipinambili ko na lang ng sapatos yun, natuwa pa ko. o kaya sana naipanglibre ko pa un kay mon o kaya naipangsine pa namin yun nila tatay, nakapagbonding pa kami ng pamilya ko na halos minsanan ko na lang makita. ikalawa, isinakripisyo ko ang iilang oras at panahon ko para sa aking sarili para makasama lang ang ilang mga taong sarili rin lang ang iniintindi. ayos lang naman sa akin yung hindi sumipot, pano ba naman yung magsabi agad para hindi nakakaabala. umasa ako, pero gaya ng inaasahan binigo na naman. sa susunod, matututo na akong intindihin na rin lang ang sarili ko kaysa sa iba. masyado na yata akong mabait kaya parating okay lang. nakakapagod na.
pebi talking in gibberish again around 8:00 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>