hindi naman ako bobo. pero aminado ako that i failed math 11 when i was in college: my
very first failing grade in my entire academic life. pero hindi ko alam kung anu ang ginagawa ko ngayon sa realm ng stocks, bonds at mutual funds. madali naman ako umintindi. maalam naman ako magmemorya. pero pagdating talaga sa numero, ewan ko ba, my brain automatically shuts down. as in wala,blanko, tabula rasa, power supply out. ang tendency ko lang kapag kaharap na ang mga tropa ni diloy (terror titser ko sa math nung 3rd year hayskul) ay tumitig ng bonggang bongga sa mga artipisyal na problemang dulot ng math.
naisip ko tuloy ngayon, maybe i should have stick with what i do best: talking a lot. kung nababayaran lang sana ang pagdada. naisip ko din tuloy, sa sobrang toxic ng buhay ko ngayon dahil sa mga stocks, bonds at mutual funds, napagtanto ko na siguro i would have excelled kung nasa law school ako. tutal mas madali pa din sa akin ang magmemorya at intindihin ang mga batas kahit pa na sabihing artipisyal din naman sila tulad ng mga pinoproblema ng numero
oh well, tingnan na lang natin kung makakayanan pa ang naghihimutok ko nang utak ang walang habas sa pagtakbo sa marathon kasama na pinangungunahan ng mga options, puts at calls.
pebi talking in gibberish again around 7:27 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>