Sa mga nakaalala, maraming maraming salamat.
Hindi ko man inasahan, pero nakakataba ng puso ang inyong pagpaparamdam.
Sa nagpakain sa batang parating gutom, maraming maraming salamat
Nawa ay ang iyong INC ay maging uno na.
Salamat sayo na isang dekada ng walang sawang bumabati sa akin ng “happy bday”,
Wala din akong sawang magpasalamat
Salamat don sa nagpapanggap na bata at sa mahal nya na mahal ko din,
Sana kayo pa din till the end
Kahit break na kayo,salamat.
Hindi nawala ang friendship kahit na wala na kayo.
Sa aking pinakamamahal, mahal din kita.
Salamat syo at kilala mo na kung sinu ka.
Sa mga romantikong inantay pumatak ng alas dose ang relo
Mga insomniac!magsitulog na at maraming thank you.
Sa ngayon lang nakilala pero nakaalala, goodluck sa atin at thank you.
Mamimiss kita next sem
Sa ibang inasahan kong sasagi sa isip ang esensya ng araw na ito para sa akin
Pero ni miscol wala akong natanggap, putang ina!
Pakiramdam ko tuloy plastikan na lang.
Pakiwari ko tuloy, wala talaga tayong pinagsamahan.
Sa mahigit dalawang dekada ng buhay ko,
Ngayon lang ako talaga naglabas ng sama ng loob.
Tamaan na ang matatamaan, kiber ko!
Kahit minsan maramdaman ko naman na hindi lang ako parati ang nagmamalasakit sa inyo.
Nakakasawa na rin parating maging nandyan kung kailangan nyo,
Labasan ng sama ng loob, taga pakinig sa mga reklamo nyo sa buhay!
Ego trip to ng birthday girl.
Siguro dala lang ng pagtanda, pero malamang dulot din ng realisasyon.
Sa buhay, may ilan talagang dadaan lang.
Pagkaalis, hindi ka na babalikan.
Kung may kailangan, don lang mararamdaman
kung wala tuloy lang ang lamyerda sa mundong nilikha ng inyong ilusyon.
Wag na kayong humabol sa pagbati, huli na ang lahat.
Kung sabagay, hindi ko naman inaasahan na maalala nyo.
pebi talking in gibberish again around 10:11 PM
<$BlogItemCommentCount$> Comments:
<$BlogCommentBody$>